Chapter 88

67 4 0
                                    

Veda Lia's POV

2 weeks later...

Good morning sunshine!

Masaya ako na malungkot ngayon at kaya ako masaya ay dahil December na bukas!

d^__^b

Kaso malungkot ako dahil magpa-pasko at bagong taon ay wala siya.

dTT__TTb

Naghilamos naman ako pagkabangon ko at saka bumaba para mag-breakfast.

Umupo naman na ako sa upuan at wala naman sila at ako lang mag-isa.

d-.-b

'Nasaan sila?'

Akmang tatanungin ko na sana yung maid namin ng bigla na siyang nagsalita.

"Ma'am, umalis po sila at binilin po sakin ng Daddy niyo na kumain na lang daw kayo at baka mamayang gabi pa daw sila makauwi at kasama nila yung dalawa niyong kapatid"Sabi naman ng maid namin. Bigla naman ako nagtaka.

"Bakit sila umalis? At saka bakit nila ako iniwan? Hays! Nabo-boring pa naman ako dito sa bahay"Biglang malungkot kong sabi.

Totoo naman kasing boring ako sa bahay at okay lang sana kung nandito si Bryce kaso baka busy yun at saka mukhang busy rin si Loisa dahil magde-decorate daw sila sa bahay para sa pasko.

"Wala naman po sinabi ma'am kung saan sila pupunta"Sagot naman ng maid at saka umalis na siya.

Napasandal na lang ako at bigla na lang ako nawalan ng ganang kumain.

Sayang ang sarap pa naman ng breakfast ko... tapa and sinangag rice!

d-.-b

Tumayo na lang ako at saka umakyat na lang at nagkulong sa kwarto ko.

Napasandal na lang ako sa pintuan ng bigla kong maisip na dalawin ko na lang si Marcus sa sementeryo tutal matagal-tagal na rin ng hindi ko siya nadadalaw.

Napabuntong na lang ako at saka nagtungo sa cr para maligo at syempre pagkatapos ko naman maligo ay nagbihis na ako at saka lumabas ng kwarto.

Nagpaalam naman ako sa maid namin na may pupuntahan lang ako at hindi ko sinabing pupunta ako sa sementeryo para dalawin si Marcus. Nagdala naman ako ng kandila at bumili rin ako ng bulaklak para ilagay sa puntod niya.

Nag-commute lang ako at mayamaya pa ay nasa sementeryo na rin ako. Nung nakalapit naman ako sa puntod niya ay bigla na lang ako naiyak dahil namimiss ko na talaga siya.

Nagsindi naman ako ng kandila at saka nilagay ko na rin yung bulaklak sa tabi ng puntod niya. Pinagmamasdan ko lang yung puntod niya kung saan ay nakalagay rin ang pangalan niya.

Marcus Red Vargas

Tumulo na naman ang mga luha ko sa mga huling sandaling ito at hinayaan ko lang sarili ko na umiyak dahil sabi nga nila mas maganda na ilabas mo ang lahat ng nararamdaman mo at iiyak mo lang para gumaan ang pakiramdam mo pero mas mabuti kung may nagco-comfort sayo.

"Lia?"Napatigil naman ako sa pag-iyak agad akong nagpunas ng luha ng marinig ko ang pamilyar na boses na yon at dahan-dahan naman akong napalingon at nakita ko naman si Bryce na nakatayo at seryosong nakatingin sakin.

'Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman na nandito ako?'

Napatayo naman ako at deretsong nakatingin sa kanya pero seryoso pa rin yung mukha niya at ilang saglit pa ay bigla siyang humakbang papalapit sakin.

"Umiiyak ka na naman"Seryoso niyang sabi kaya napayuko na lang ako bigla.

"Wag mo na siyang iyakan dahil sigurado naman akong masaya siyang nababantayan kita"Rinig kong seryoso pa rin niyang sabi kaya napaangat naman ako ng tingin sa kanya at sobrang lapit na namin sa isat isa dahilan kaya napapaatras na lang ako.

Nagulat naman ako ng bigla siyang tumingin sa likod ko at saka tumingin ulit sakin."Wag mo ng iyakan ang taong wala na dahil meron naman isang tao na lagi kang binabantayan at pinoprotektahan"Seryoso pa rin niyang sabi dahilan kaya napapalunok na lang ako.

"Bakit hindi mo na lang subukan magmahal ng iba? Bakit siya pa rin kung wala naman na siya? Bakit hindi na lang ako? Bakit hindi na lang ako ang mahalin mo?"Tuloy-tuloy niyang tanong dahilan bigla akong matulala at paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang huli niyang sinabi.

'Bakit hindi na lang ako ang mahalin mo?'

'Bakit hindi na lang ako ang mahalin mo?'

'Bakit hindi na lang ako ang mahalin mo?'

'Bakit hindi na lang ako ang mahalin mo?'

'Bakit hindi na lang ako ang mahalin mo?'

'Bakit hindi na lang ako ang mahalin mo?'

'Bakit hindi na lang ako ang mahalin mo?'

'Bakit hindi na lang ako ang mahalin mo?'

"Ngayon pa lang ako aamin ng nararamdaman ko para sayo...matagal na kitang gusto at matagal na rin kitang mahal"Agad na sabi niya na ikinatulala ko naman.

Natauhan naman ako ng hawakan niya ang kamay ko pero agad ko rin inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya at saka ko yun tinago sa likod ko sabay yuko.

"Hindi kita maintidihan kung bakit mo sakin 'to sinasabi at hindi ko rin maintindihan kung bakit umaamin ka ngayon sakin ng nararamdaman mo at dapat alam mo naman ang isasagot ko...mahal din kita pero bilang isang kaibigan lang"Nakayuko ko naman na sabi.

Dahan-dahan naman akong napaangat ng tingin sa kanya at nakita ko naman ang reaksyon ng mukha niya na bigla na lang natulala. Napahinga na lang ako ng malalim at saka ko tinapik-tapik yung balikat niya.

"Balang araw mahahanap mo rin ang para sayo...at pasensiya ka na kung bakit hanggang kaibigan lang ang kaya kong isukli sa pagmamahal sayo ay dahil si Marcus pa rin ang nasa puso ko na kailanman hinding-hindi mababago"Mahinahon ko naman ma sabi at alam kong maiintindihan niya yun at sa huling pagkakataon ay tinapik-tapik ko ulit yung balikat niya at saka na ako umalis at iniwan siyang tulala pa rin.

'Sorry Bryce kung hindi ko kayang mahalin ka pabalik dahil nakatatak na talaga sa puso ko ang unang lalaking minahal ko at wag kang mag-alala dahil hinihiling ko na mahanap mo rin ang para sayo'



PLEASE DON'T FORGET TO
VOTE, COMMENT & FOLLOW!

Thanks a lot!!

d^^,v

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now