Chapter 81

80 9 2
                                    

Eros's POV

Naglalakad ako ngayon papuntang parking lot at nandito ako ngayon sa isang mall dahil nag-shopping ako.

Kung ako ang tatanungin niyo kung nakapag-move on na kami sa pagkawala ni Marcus ay ang sagot hindi pa kami makapag-move on at kung sa tutuusin para ko ng kapatid si Marcus at para siyang kuya sa amin apat.

Siya ang nasusunod lagi pero mahal na mahal niya kami bilang kaibigan at parang kapatid.

Sumakay naman na ako sa kotse ko at bigla ko naman naalala si Loisa.

Madalas na nag-aaway kami na parang aso't pusa pero natatawa na lang ako sa kanya dahil kapag nagagalit siya sakin para siyang bata.

Hindi ko nga alam kung ano na ba ang status namin dalawa, kung magkaibigan na ba kami o ano.

d>>__<<b

Bigla ko naman din naalala si Jewel at ang akala ko sa sarili ko ay hindi ko na siya crush pero ang totoo ay crush ko pa rin siya at parang may nakakaibang feelings na ako sa kanya. Nagseselos nga ako sa kanila ni Shawn dahil parang mas sobrang close pa sila kesa sakin. Hmp!

Tuwing sabado't linggo naman ay nag-gagala kaming magkaibigan at super close na rin namin ang Black Crown. Lagi din namin kasama si Veda kaso naninibago ako sa kanya dahil bigla na lang siya nagiging tulala at tahimik.

Naaawa na nga ako sa kanya dahil madalas din namin mapansin na laging mugto yung mata niya at kapag tinatanong naman namin kung bakit namumugto ang mata niya pero hindi naman siya sumasagot.

Dalawang buwan na rin ang nakalilipas simula ng mawala si Marcus at hindi ganun kadali na kalimutan naman siya.

At alam naman namin ang dahilan kung bakit laging mugto ang mata niya ay dahil umiiyak siya simula ng mawala si Marcus.

Napahinga na lang ako ng malalim at akmang iistart ko na sana yung kotse ko ng bigla kong nakita si Jewel na papasakay sa van nila at pansin ko na siya lang mag-isa.

Agad naman akong bumaba sa kotse ko at tinawag siya.

"Jewel?"Tawag ko sa kanya dahilan para magpalingon-lingon siya sa paligid niya at nung nakita naman niya ako ay bigla naman siya napakunot noo.

Lumapit naman ako sa kanya saka sabay na ngumiti pero nakakunot noo pa rin siya.

"Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang kasama?"Takang tanong ko. Nagulat naman ako ng bigla siyang nagpalingon-lingon sa tabi niya tapos saka tumingin sakin.

"Sa tingin niyo po ba kuya may kasama ako?"Kunot noo niyang tanong kaya napalunok na lang ako saka sabay na natawa.

"W-Wala hahahaha"Tawa ko naman na sabi pero bigla lang siya napangiwi.

"Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?"Biglang mataray niyang tanong kaya napatahimik ako sa pagtawa.

"Wala naman"Sagot ko na lang. Nagulat naman ako ng bigla niya akong inirapan at akmang bubuksan na niya yung pinto ng van nila ng bigla ko siyang pinigilan.

"S-Sandali lang..."Pigil ko. Napatingin naman siya sakin na may pagtataka saka sabay na napakunot noo.

"Kung babanat ka lang naman ng mga corny mong salita...please lang ho kailangan ko ng umalis dahil hinahanap na ako sa amin!"Inis naman na sigaw sakin ni Jewel na ikinagulat ko.

dO__Ob

"B-Bakit mo ako sinisigawan diyan eh mas matanda ako sayo ha?!"Biglang inis ko naman na sabi pero hindi naman siya nagpatinag.

"Eh kasi nakakainis ka! At wala akong pakealam kung matanda ka 'man kesa sakin dahil kung tutuusin bastos ka!"Sigaw na naman niya sakin dahilan para magulat na naman ako.

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now