Chapter 59

163 12 0
                                    

Vanessa's POV

Hi, I'm Vanessa Soo ang ate nila Veda at Shawn. Sa Korea ako pinanganak at nag-aral, pero after kong maka-graduate sa College ay umuwi na ako ng Pilipinas. Marunong akong magsalita ng Korean pero nasanay na lang ako sa salitang tagalog.

Sa Korea ko din nakilala si Charles Sandoval na kilalang gangster at chickboy.

d>>__<<b

Sa una lagi niya akong trip at laging inaasar pero dahil sa inis ko sinabi ko sa kanya ang mga bagay na ayaw ko sa kanya pero nalaman ko na gusto pala niya ako at nung nakauwi na nga ako dito sa Pilipinas sumunod pala siya sakin.

Nanliligaw sakin si Charles pero hindi ko siya pinapansin dahil nabubwesit lang ako sa kanya lalo na chickboy pa rin siya.

Pero inaamin ko naman sa sarili ko na gwapo siya at crush ko na siya noon hanggang ngayon hehe.

d^__^b

Nasa sasakyan kami ngayon ni Veda na pagmamay-ari ko na Pagani Huayra. May kanya-kanya kasi kaming sasakyan at si Shawn meron din kaso hindi muna siya pinapa-drive dahil delikado pa lalo na sa edad niya.

"Bakit naman ako pinapasundo ni Soo? Alam naman niyang may klase pa kami"Rinig kong inis na sabi ni Lia kaya nilingon ko siya.

"May importante daw siyang sasabihin"Seryoso ko naman sabi sabay napaiwas ng tingin sa kanya at tumingin sa kalsada.

"Importante? Tsk! Pwede naman mamaya na lang eh may klase pa nga kami!"Inis na naman niyang sabi kaya nilingon ko ulit siya pero agad din napatingin sa daan.

"Bakit ba kasi hindi mo siya kausapin? Alam mo naman na ikaw ang pinaka paborito niya sa atin tatlo kaya dapat pakinggan mo manlang siya"Mahinahon kong sabi pero napa-tsk tsk lang siya.

"At bakit ko naman siya kakausapin? Hindi ko kailangan makipag-usap sa kanya!"Inis na naman niyang sabi kaya hindi na ako nagsalita dahil baka lalo lang magalit 'to at bigla na lang bumaba.

Nagpatuloy na lang ako sa pagda-drive kaso agad akong napa-preno ng biglang may humarang na motor sa amin at kilala ko kung sino ang nakaka-bwesit na yon.

Si Charles the Great!

Inis naman akong bumaba ng Pagani Huayra ko at ganun din si Lia."Hoy! G*go ka ah! Ano na naman ba kailangan mo?!"Inis na sigaw ko sa Charles na 'to.

"Can I talk to your beautiful sister?"Tanong na sabi ni Charles sabay kindat sa kapatid ko.

d>>__<<b

"Ano naman ang pag-uusapan natin?"Mataray na tanong ni Lia pero ngumisi lang 'tong ugok na 'to.

"About your ex"Nakangising sagot naman ni Charles. Napatingin naman ako kay Lia na biglang napataas ang kilay.

"Bakit kailangan pa natin pag-usapan yon? Past is past at hindi ko na kailangan pa pag-usapan yon! Let's go ate"Inis na sabi ni Veda kay Charles at saka na namin tinalikuran si Charles pero nakakatatlong hakbang palang kami ng biglang nagsalita si Charles.

"Mahal ka pa niya"

Pagkasabi niya yon ay tinignan ko naman reaksyon ng mukha ni Veda pero nakakunot lang noo niya at saka na ulit siya humakbang at sumakay sa kotse ko. Sumakay na rin ako at saka mabilis na pinaharurot, tahimik lang si Veda habang nagda-drive ako at nakatingin lang siya sa may bintana kaya nagsalita ako para mabasag ang katahimikan.

"Ano nga pala gusto mong kainin? Magluluto ako at magpapatulong na rin kay Manang"Pagbasag ko sa katahimikan. Sumagot naman siya pero hindi tumingin sakin.

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now