Chapter 87

77 4 0
                                    

Bryce's POV

"Malapit na ga-graduate na rin tayo at excited na akong maging college"Rinig kong sabi ni Scott.

"Wag ka ngang excited diyan grumaduate dahil mas mahirap ang college ugok!"Ngisi naman na sabi ni Ayden.

"Oo nga, palibhasa kasi tulog ka lang palagi sa klase tsk! tsk!"Rinig ko naman na ngisi rin na sabi ni Quinn.

"Hays! Hayaan niyo na nga yan si Scott eh baka naman kasi hindi niya enjoy yung high school life niya kaya mas excited na siyang mag-college diba?"Sabat naman ni Dylan.

Naglalakad naman kami ngayon sa may hallway at pupunta na kami sa classroom namin.

Maaga pa akong nagising kanina dahil mas lalo akong nagsisipag dahil malapit na talaga ay ga-graduate na rin kami.

"Hays! Ang mas mabuti ay makapagtapos tayong lahat sa pag-aaral para may magandang kinabukasan. Kapag tayo grumaduate sa high school kailangan natin mas magaling at mag-focus sa college dahil mas mahirap ang college kesa high school na papetiks petiks lang! At saka puro aral sa college kesa sa high school"Seryosong sabi ko naman sa kanila at nauna na akong naglakad sa kanila.

Mayamaya pa ay nakarating na rin kami sa classroom namin ng biglang nagsalita si Ayden.

"Gunner? Diba may exam na tayo?"Tanong ni Ayden kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi ko alam"Sagot ko naman pero napakamot lang siya sa ulo niya saka tumingin na lang kay Scott at dun na lang siya nagtanong.

Wala naman akong alam kung kailangan ba ang exam namin dahil minsan nakakatamad makinig pero nakikinig din naman ako kung maganda lang naman sasabihin nung teacher at nakakasagot din naman ako sa tanong nung teacher namin lalo na kung nakakasagot.

Whews!

d>>__<<b

Umupo naman na kami sa kanya-kanya namin upuan at wala pa si Veda kaya naman napatingin ako sa wrist watch ko at 7:30am na pala.

Minsan kasi late ng dumating yung teacher namin or minsan maaga ang pasok at minsan din naman medyo natatanghali na yung pasok namin at dito lang naman yun sa Stanford.

d-.-b

Sa Gillford kasi nasusunod yung oras kaso minsan madalas may meeting lagi sa faculty yung mga teacher. Nalaman ko rin nung nakaraang linggo kay Ayden na meron na palang college sa Gillford at kaya pala nagkaroon ng Dean.

Hays! Akala ko may college talaga dun at high school dati pero sa pagkakaalam ko may high school lang sa Gillford pero may college na pala!

Isa rin kasi akong walang pakealam!

d>>__<<b

Maiingay ang mga kaklase namin pero hindi ko na lang pinapansin pero ilang saglit lang ay biglang may pumasok kaya halos lahat ay napatingin sa pumasok na yon at ang inaakala naman namin ay teacher na yung dumating pero si Veda pala.

Parang maaliwalas ngayon yung mukha niya at bigla naman na nag-ingay lahat ng mga kaklase ko ng malaman na hindi pala teacher ang pumasok. Nung nakita naman ako ni Veda ay bigla siyang ngumiti sakin na ikinagulat ko dahil ngayon ko na lang ulit siyang nakitang ngumiti.

Lumapit naman siya sakin at saka umupo sa bakanteng upuan."Bryce!? May sasabihin ako sayo"Masaya niyang sabi.

"Ano yon?"Takang tanong ko naman.

"Samahan mo ako mamaya sa Gillford"Masayang sabi niya ulit na ipinagtaka ko na naman.

"Bakit? Anong meron sa Gillford? Teka, parang masaya ka ah?"Taka at sunodsunod ko naman na tanong pero nakangiti lang siya.

Dating with a gangster (Season two)Where stories live. Discover now