KABANATA 4

19 2 0
                                    

Kabanata 4-Maynila

Naramdaman ko na lang na may gumigising sa akin.Napagtanto ko na si Dama Maria iyon.

"Prinsesa Alexandra,Nandito na po tayo sa daungan ng barko."
tumango na lamang ako bilang sagot.

Habang pinagmamasdan ko ang mga barko na nakadaong sa dalampasigan ay napaisip ako.Kamusta na kaya sila ama at ina,Sina Xander at Annah.Hinahanap na ba nila ako?

"Prinsesa Aliyah,Halika na po.Handa na po ang barko na sasakyan natin."

"Sige po mauna na po kayo.Susunod na lamang ako."

Umalis na si Dama Maria sa aking harap.Siguro pagbalik ko rito ay tapos na ang mga problema sa palasyo.Sana nga tapos na ang lahat ng problema.
Umalis na ako sa aking kinatatayuan at pumunta na ako sa barko na gagamitin namin para makapunta sa maynila.

Habang nasa biyahe kami ay hindi ko maiwasang mabagot at mangulila.Mabagot dahil wala akong magawa sa biyahe at Mangulila dahil kahit saglit lang ako nawala ay gusto ko silang yakapin.Kumakain na lamang ako at pinagmamasdan ang dagat na aming dinadaanan.Sobra akong nananabik pumunta sa maynila sapagkat ngayon lang makakapunta.Hindi ko alam kung maganda ba doon o pangit.Basta sobra akong nananabik.Siguro Doon ko mahahanap ang magmamahal sa akin.Pero paano ko sasabihin na isa akong prinsesa?Magpapanggap na lamang ako para hindi nila malaman na isa akong prinsesa.

Nang nakarating na kami sa daungan ng maynila ay agad akong nagulat sa aking nakita.Ibang iba ito sa aking iniisip na maynila.Ang maynila na ito ay puro gusali,Istraktura,Sasakyan.Wala ni isang puno.Hindi Sariwang hangin ang naaamoy ko rito kundi puro linalabas na usok ng mga sasakyan.Habang nagmamasid ako ay bigla ko na lang naalala na nasaan ako.Pagkatingin ko sa paligid ay wala si Dama Maria.Paano na ako na ako rito?Hindi ko pa naman alam kung nasaan ang tirahan ni Dama Maria dahil ngayon lang ako na kapunta rito.Paano na ito?

The Identity Of A Princess (Princess Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon