KABANATA 28

8 2 0
                                    

Kabanata 28-Nakaraan

Malipas ang tatlong araw ay agad ng plinano ang kasal.Kahit ayaw ko ay tinuloy pa rin.Si Lucas naman ay masaya dahil ikakasal na raw kami pero ako hindi.Naiintindihan naman nya kasi alam nya na mahal ko parin si Steve,pero sabi nya ay:

"Magiging mag-asawa na tayoKailangan kalimutan mo na sya,Para sa palasyo at sa anak mo gawin mo iyon."

Ngayong araw na ito ay ang aming kasal.Nag-aayos na ako ng aking susotin.Habang si Lucas ay nag-aayos na rin sa kabilang silid.Di ko mapakiwari ang kaba sa aking dibdib.

Nang matapos na akong mag-ayos ay kailangan na namin pumunta sa palasyo nila Lucas.Doon gaganapin ang kasal namin.Inaalalayan ako ni Dama Maria at Ina.Si Ama ay nauna na sa Palasyo,Pinaiwan ni ama si Ina para tulungan akong mag-ayos.

Bumubuntong-hininga ako kaya alam kong napapansin ni ina iyon.Biglang lumapit sa akin si ina at hinimas ang aking buhok.

"Anak...Alam kong ayaw mong ikasal sa hindi mo naman mahal.Naranasan ko na iyan, anak."nagulat ako sa aking narinig.Tama ba ako?Hindi mahal ni ina si ama noong kinasal sila?Paano ako nabuo?

"P-paano?"nauutal kong sambit.

"Ipinakasal ako ng Lolo mo sa iyong ama pero may iba akong mahal noon.Pero pumayag ako.Nang ikasal kami ay nagsisisi ako sapagkat...namatay ang mahal ko ng dahil sa iyong ama.Nagalit ako sa iyong ama pero......Lumipas iyon ng maraming taon.Napatawad ko rin sya,Sa gabay ng panginoon ay agad din namang nahulog ang aking loob sa iyong ama.Dahil doon nabuo ka at ng mga kapatid mo."mahabang salaysay ni ina sa akin.

"A-ano p-pong n-nangyari sa dati nyong mahal?"

"Binawian sya ng buhay anak......Kakahintay sa akin."

"Nang malaman nyo iyon....Mahal nyo na si ama?"

"Oo anak pero kahit kailan hindi ko sya kinalimutan."sabi ni ina.Napaluha na lang sya kaya agad ko itong yinakap.

"Pero kahit kailan......Hindi ako nagsisisi na minahal ko ang ama mo."

The Identity Of A Princess (Princess Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon