Kabanata 12-Tibok
Nagising ako dahil naramdaman ko na may nakadagan sa aking tiyan.Pagkamulat ko ng aking mata ay nakita ko si Steve na walang saplot.Naalala ko tuloy yung nangyari sa amin ni Steve.Di ko alam kung bakit ako nagpaubaya sa isang lalake na hindi ko alam ang buong pagkatao.
Tatayo na sana ako ng bigla kong naramdaman na masakit ang aking maselan na parte ng katawan.Talagang siya ang nakakuha ng aking pagkababae.Tama ngang 'masakit sa una at pangalawa pero mapapalitan ng Sarap at Kaluwalhatian kapag pangatlo pataas'.
Kahit masakit,Pinilit kong tumayo para magluto ng almusal.Kinuha ko muna ang damit ko pero nakita ko ang suot kong panloob na sira na.
'Pati ba naman to,Napunit.....Tsk...tsk....tskkkkk'
Nang tuluyan na akong nakadamit ay umalis na ako sa kwarto ni Steve.Dahan-dahan akong naglakad dahil baka magising sya.Nang makapunta na ako sa kwarto ko ay agad akong naligo.Para kasing naglalagkit ako.Dahan-dahan lang ako gumalaw dahil masakit talaga.
Nang matapos na ako maligo ay naghanap na ako ng susuotin ko.Lahat ng damit ko ay bigay ni Lola Geneva sa akin.Napapansin kasi nya na paulit-ulit ko lang sinusuot lahat ng damit ko.
Nang matapos na akong magsuot ng damit ko ay agad akong lumabas.Pagkabukas ko ng pintuan ay agad kong nadatnan si Steve na nakatayo.Ewan ko,pero ayoko na nakikita ko pagmumukha nya. Basta parang nahihiya akong tumingin sa kanya matapos nung nangyari sa amin.Lumabas na ako ng tuluyan sa aking kwarto ng hindi ko sya pinapansin.
"Alex......"Hindi ko sya pinansin.
"Huy.....Alex.....Pansinin mo naman ako.Huy....Love......."Nagulat ako sa sinabi nya.
*Lub...dub....lub...dub....lub...dub....lub...dub*
Ano ba naman itong puso ko!Ang ingay!!!!!!
"Huwag mo kong tawaging Love!"
"Anong gagawin mo kapag tinawag kitang Love?"
"Hindi kita papansinin."
Naramdaman ko na lang na linagay ni Steve ang kamay ko sa tapat ng puso nya."Nararamdaman mo ba iyan?"
"Ang alin?"
"Itong tibok ng puso ko,Sana malaman mo kung sino ang tinitibok ng puso ko.Please....."
BINABASA MO ANG
The Identity Of A Princess (Princess Series#1) COMPLETED
Teen FictionPrincess Series#1 Para sa kanya,"Ang Espada ay ginagamit sa kasamaan pero Puso ang sandata sa labanan.." Sya si Alexandra Dela Fuentes,Ang Prinsesang Gustong maging malaya para makapagmahal sya ng puso ang ginagamit.Umalis sya sa palasyo dahil sa pr...