Kabanata 7-Tatanga-tanga
Wala ngayon si Steve.Pumasok daw sa trabaho nya.Simula ng ginawa kong selfie stick ang dustpan ay naging mailap sya sa akin.Ewan ko ba?Habang naglilinis ako ng mga gamit ay di ko sinasadyang nabasag ko yung plorera na nasa lamesa.Hindi ko mapakiwari kung bakit ganito ang nararamdaman ko.Parang may tumutusok sa aking puso habang pinagmamasdan ko ang plorera na ito.Bakit ganito?
Hindi ko napansin na nandito na pala si Steve at napansin ko na nakatingin sya sa Plorera na nabasag ko.
"Anong ginagawa mo?Bakit mo binasag ang vase na yan!"
"P-pasenya n-na."
"Anong pasensya!Hindi mababayaran ng sorry mo itong binasag mo!Di mo alam na napakahalaga nito sa akin!Ito na lang ang natitirang ala-ala sa akin ni Mitch."
"P-pasenya n-na.S-sa s-susunod p-papalitan ko n-na lang."
"Eh wala kang pera di ba!Tapos wala ka pa matitirhan!Mabuti nga yan na lang ang gagawin mo para mabayaran mo ang pagtira mo dito!Tatanga-tanga ka kasi!"Sa di ko sinasadya na pangyayari ay nasampal ko sya.
"Kahit hindi ko naiintindihan ang ibig sabihin ng tanga ay nasasaktan ako!Di mo alam kung ano ang pinagdadaanan ko kaya huwag mo sabihin ang lahat ng iyan!"
"Ikaw pa ang may ganang manampal."Biglang bumalik ang wisyo ko.Di ko alam kung ano ang ginagawa ko ngayon sa buhay ko.Ako na nga ang nakabasag ako pa ang may ganang magalit.
"Pasensya na."
"Wala akong pake kung magsorry ka.Kahit lumuhod ka ay wala akong pake.Kahit mamatay ka wala akong pake."
"Pasensya na talaga."Tinalikuran ko na lang sya.Siguro bukas hihingi ako ng tawad sa kanya.
Gaano kaya kahalaga ang plorera na iyon sa buhay nya?
BINABASA MO ANG
The Identity Of A Princess (Princess Series#1) COMPLETED
Teen FictionPrincess Series#1 Para sa kanya,"Ang Espada ay ginagamit sa kasamaan pero Puso ang sandata sa labanan.." Sya si Alexandra Dela Fuentes,Ang Prinsesang Gustong maging malaya para makapagmahal sya ng puso ang ginagamit.Umalis sya sa palasyo dahil sa pr...