KABANATA 10

13 2 0
                                    

Kabanata 10-Bati na

Pagkatapos kong isiwalat ang aking sikreto kay Lola Geneva ay umuwi na ako.Alam kong nasa bahay na si Steve dahil alas-syete na.Lulutuan ko pa sya,Napasarap kasi ako ng kwento kay lola geneva tungkol sa palasyo namin.

"Saan ka galing?"Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa pintuan.

"Nagtrabaho lang ako kina Lola Geneva.Naglinis tapos inalagaan sya.Wala kasi syang apo o anak kaya nandoon ako."

"Nagtrabaho?"

"Nagtrabaho ako para may pambayad sa plorera na nabasag ko.Nakaipon na ako ng tatlong libo.Magkano ba yung plorera na nabasag ko?"

"Di mo na kailangang bayaran iyon."

"Bakit naman?Diba mahalaga sayo yung plorera na iyon?"

"Hayaan mo na.Siguro ayos lang kay Mitch na mabasag yun.Hindi mo naman sinasadya diba?"

"Kahit na.Responsibilidad ko iyon."

"Huwag mo na bayaran.Sige ka kapag binayaran mo iyon,Hahalikan kita."Nagulat ako sa sinabi nya.Siya,hahalikan ako.

"Bakit ka nanahimik?"

"N-nagulat l-lang ako sa s-sinabi m-mo.Kasi a-alam ko,Galit ka sa a-akin."

"Galit ako noon pero ngayon,Hindi na.Napatunayan mo naman na hindi mo sinasadya."

"Ahhhhhh.........."Iyan na lang ang  nasabi ko.

"Sorry."

"Para saan?"

"Kasi sinabihan kita ng masasakit na salita.Hindi pa kita nakikilala ng lubos pero sinabihan kita ng tanga."Tama ka,Hindi mo pa nga ako nakikilala ng lubos.Hindi mo pa alam ang sikreto ko.Si Lola Geneva pa lang ang nakakaalam kaya wala akong kailangang ipangamba.

"Ayos lang iyon.Nadala ka lang siguro ng galit mo kaya ganoon."

"Alex......."Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko.Napagtanto ko na si Steve ang humawak sa akin.

"B-bakit...?"Hala!Bakit ako na-uutal?

"Sana mapatawad mo ako.Sana bati na tayo."

"Hindi naman ako galit sayo.At saka bakit ka humihingi ng pahintulot na mapatawad kita?Kahit kailan hindi ako nagalit sa iyo kasi ikaw ang tumulong sa akin."

"So,Bati na tayo?"

"Bati na tayo."Pagkatapos kong sabihin iyon ay bigla nya akong yinakap ng pagkahigpit-higpit.Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko.Wala naman akong sakit.

The Identity Of A Princess (Princess Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon