KABANATA 36

10 2 0
                                    

Kabanata 36-I Love You too

Nang matapos ang pangyayaring hindi ko inaasahan ay agad sumabay na kumain si Steve sa amin.Si Alice naman ay parang ayaw nyang paalisin ang kanyang ama.Nang matapos kaming kumain ay agad kaming umalis dahil gusto na raw matulog ni Alice.

"Mama...Saan tayo matutulog?"papikit-pikit na sabi ni Alice.Buhat buhat sya ng kanyang ama habang kami ni Dama Maria ay nakabuntot lang sa kanila.

"Sa amin na muna kayo,Prinse-... ay este Alexandra matulog.Maluwag pa naman doon at hindi kayo mahihirapang matulog.'Prinsinta ni Dama Maria.Papayag na sana ako ng biglang sumingit si Steve.

"Sa bahay ka na lang namin Alex."sabi niya"Atsaka,Malaki pa ang kama at pwede tayong gumawa ulit ng baby."binulong na lang ni Steve ang huling salita.
Kinurot ko sya sa Tagiliran nya kaya napadaing sya.Dahil sa daing nyang iyon ay nagising si Alice.Syempre bumalik ulit ito sa pagtulog.

Pumayag ako na doon na lang kami sa bahay ni Steve matulog pero pinaalalahanan muna sya ni Dama Maria.

"Ingatan mo iyang Reyna namin....Huwag kang gagawa ng hindi maganda sa kanya at higit sa lahat....Ibinigay ko sya sayo ng buo at sana pagbalik nya sa akin ay buo pa rin sya at walang bawas."

Natawa na lang ako sa inasal ni Dama Maria.Masyado syang matapang para maging babae.Dapat Guwardiya na lang ang pinasok nya at hindi kasambahay.

Hinatid kami ni Dama Maria sa bahay ni Steve para tingnan ng mabuti ang aking katawan.Ito namang si Steve ay Nakangisi lang.

"Aalis na ako Alexandra,Ikaw na bahala sa kanya Steve.Pag may ginawa ka kay Alexandra....Isusumbong kita sa asawa nya."pagbabanta ni Dama Maria pero si Steve nakangisi pa rin

"Takot ko sa kanya....Eh hindi naman talaga sa kanya si Alex eh.Akin sya....AKIN."Pagpapaintindi nya.

Umalis ng nakabusangot si Dama Maria.Sigurado ang mister na ang magpapangiti doon,Baka nga makabuo sila ulit eh.

Binalik ko ang tingin kay Steve na ngayon ay nakangisi pa rin.Tiningnan ko si Alice pero hindi na nya ito karga.Baka pinasok nya na sa loob.

"Pasok na tayo.."pagyayaya ko.
Bigla nya akong pinigilan.

"Ako lang ang pwedeng pumasok
sa ano mo......"bigla akong nalito sa sinabi nya.

"Saan ka papasok?"bigla syang ngumuso sa pribadong parte ng aking katawan..ay hindi na pala pribado dahil nakapasok na sya at bigla akong namula ng naintindihan ko iyon.

"Ang bastos mo pa rin."

"Gusto mo naman.."

Hindi ko na lang sya pinansin at pumasok na ako sa bahay niya.

Nang pagkapasok ay tumambad sa akin na malinis na bahay,maayos ang gamit.Hindi katulad ng dumalaw ako sa kanya noon,Napakagulo.
Walang pinagbago ang bahay nya pero hindi pa rin ako sanay.

Nakita ko na nakahiga si Alice sa upuan na parihaba,Mukhang tulog na tulog ang aking prinsesa.

"Alex...."

"Hmmmmmmmm.."

"M-mahal mo pa ba a-ako?"tanong ni Steve.

"E-ewan ko."pagtatanggi ko pero sa totoo lang,mahal ko pa rin sya.

"You're a Liar Alex,I know that you love me."aba'y tanga sya.Alam naman pala nya na mahal ko pa sya itatanong nya sa akin.

"Naintindihan kita ng konti pero alam mo naman pala na mahal pa kita itatanong mo sa akin."
Bigla syang umupo sa tabi ko at hinalikan ang labi ko.

"I know....Tini-test lang kita kung sasabihin mo ang totoo sa akin pero hindi eh.."bigla syang bumusangot."But...I love you."

"Hmmmm...I love you too."hahalikan na sana nya ako ng biglang nagising si Alice.

"Mama...Papa,Ayoko pa pong magkaroon ng kapatid.Sa susunod na lang po kayo gumawa."bigla kaming natawa sa sinabi ni Alice.

The Identity Of A Princess (Princess Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon