KABANATA 22

10 2 0
                                    

Kabanata 22-Buntis

Dalawang Araw na ako rito sa Palasyo pero hindi ako makatulog kakaisip kung kamusta na si Steve.Kung kumain na sya,kung naligo na sya,kung pumasok na sya sa trabaho.Hayyyssss....Miss ko na sya kahit may pagkamanyak sya.
Sana sinabi ko na lang sa kanya na isa akong prinsesa edi sana masaya pa rin kami.Sana hindi na lang ako prinsesa para makasama ko ng normal si Steve.

Tatayo na sana ako ng bigla akong nakaramdam na para ang masusuka.Nang pymunta ako sa banyo ay wala naman akong sinuka.Ngayon naman ay nahihilo ako ngayon.Ano bang nangyayari sa akin?

"Dama Maria.....Dama Maria...."Tawag ko kay Dama Maria.

"Prinsesa Alexandra,ano pong maitutulong ko?"

"Kuha mo ako ng gamot sa lagayan.Parang nahihilo ako at nasusuka.Wala naman akong sinusuka."

"Ganoon ba?Sige po....Hintayin nyo na lang ako rito."

"Salamat po."Sabi ko kay Dama Maria.

Nang hindi ko na nararamdaman na masusuka ako ay agad akong lumabas at umupo sa aking kama.Ano ba talaga ang nangyayari sa akin?

"Anak....."Nakita ko si ama at ina na palapit sa akin.

"Ama....Ina...Bakit kayo narito?"

"Sabi sa amin ni Dama Maria ay nahihilo ka at nasusuka pero wala kang sinusuka."

"Tama po si Dama Maria.Di ko nga po alam kung anong nangyayari sa akin.Wala naman po akong nakain na masama para sa akin."

"Patingin nga ng noo mo."Lumapit ako kay ama para tingnan kung mainit ako.

"Anak....Hindi ka naman mainit.Dama Maria,Tawagin mo ang Doktor.Ipapatingin ko si Prinsesa Alexandra...Dali!"sigaw ni ama kay Dama Maria.

"S-sige p-po,t-tatawagin ko na po."At umalis na si Dama Maria.

"Ito anak,Inumin mo para maibsana ng paghilo mo."Sabi ni ina na para bang nag-aalala.

"Salamat po ina."

"Walang anuman.Doon muna ako sa baba at hihintayin ko ang doktor na titingin sa iyo.Mahal,Bantayan mo muna ang anak natin."

"Sige Mahal."At hinalikan ni Ama si Ina sa labi.Sana ganyan din kami ni Steve pagtumanda na kami.

Nagpaalam muna si Ama para maghintay rin.Habang nakatingin ako ng sa bintana ay biglang pumasok si Xander.Sandali!parang hindi ko nakikita si Annah simula ng umuwi ako rito.

"Ate....Anong nangyayari saiyo?"

"Ayos lang ako Xander.Teka lang,Parang hindi ko nakikita si Annah simula nung dumating ako rito."

"Si Ate Annah kasi...Sumunod sya sayo sa maynila."

"Ano!Anong ginagawa na roon?"

"Hinahanap ka,Anong gagawin nya roon,maghahanap ng boyfriend."Tama kayo,Marunong magsalita si Xander ng ingles sapagkat doon sya ngayon nag-aaral sa maynila.

"Alam kong hindi sya maghahanap ng nobyo roon.Gusto muna nyang maging Reyna bago makahanap ng nobyo na magiging asawa nya at magiging hari nya rin.Pinapahanp rin ba sya ni ama?"

"Hindi."

"Bakit naman?"Ag daya!Ako pinahanap pero si Annah,hindi.

"Kasi si Ama,ang sabi nya ay hayaan daw muna natin syang maghanap ng nobyo.Matagal pa naman daw syang magiging Reyna ka ganoon."

"Ang daya!Kami Steve pinagbawalan pero si Annah hindi."

Habang nag-uusap kami ni Xander ay bigla na lang dumating ang Doktor na titingin sa akin.

Habang tinatanong nya ako kung anong nararamdaman ko ay may sinusulat sya.Tapos bigla nyang kinuha ang nakasabit sa kanyang leeg na kung ano ba iyon,Basta.Linagay nya ang bilog na nakakonekta sa linalagay sa tenga.Habang pinapakinggan nya ang pintig ng puso ko ay hindi ako mapakali.

"Dok..Kamusta na ang aming anak?Ano po ba ang sakit nya?"Sabi ni ama sa doktor.

"Mayroon akong dalawang magandang balita."

"Ano iyon Dok?"

"Yung isa wala naman syang sakit,yung isa ay......"

"Dok...Tuloy nyo na."sabi ko

"Buntis ka Prinsesa Alexandra."

"ANO!"Sigaw ng lahat.

Ako buntis?Siguro si Steve ang ama.

The Identity Of A Princess (Princess Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon