KABANATA 33

9 2 0
                                    

Kabanata 33-Pagkikitang Muli sa Mall

Nandito na kami sa maynila kasama si Dama Maria at si Alice.Ang kulit ni Alice hindi mapakali noong nakita nya ang mga gusali at mga sasakyan.Gusto daw nyang mapuntahan ang lahat ng nandito.Syempre,pumayag ako.

"Mama,Ang ganda nun oh."may tinuturo sya sa akin at pagkalinga ko ay nakita ko ang mall.Naalala ko tuloy noong magkasama kami ni Steve.

"Puntahan natin....Mama...."pagpipilit na sabi ni Alice.

"Sige na nga."pagsang-ayon ko.

Pumasok kami sa Loob,Napakalamig kaya si Alice ay biglang nagpabuhat sa akin.Mabuti kasama ko si Dama Maria para gabayan kami dito sa mall,Nalimutan ko na kasi ang lahat ng pasikot-sikot rito.

"Mama,Doon tayo oh....Ay hindi,Doon pala,hehehe"Turo doon ni Alice.Si Dama Maria naman ay buhat-buhat ang lahat ng binili namin,Puro kay Alice iyan.

Nang makapili na kami ng bibilhin at agad kaming Umalis dahil dumadami na ang mga tao rito kaya pasikip ng pasikip.

"Mama...Ang dami ko nang laruan oh."turo nya sa bitbit ni Dama Maria.Napangiti ako sa inasta nya.

Turo doon,Turo dito....Pagod na kami ni Dama Maria sa kakaikot ng mga tindahan,Puro ayaw naman nya.

May nararamdaman akong kakaiba,Parang may nakatingin sa akin pero nang pagkalingon ko...

"Wala naman pala."bulong kong sabi pero narinig iyon ni Alice.Luminga-linga ako para makasiguro.

"Mama ano iyon?Sino ang hinahanap mo?"

"Wala anak,Sandi lang...Saan mo pala gustong kumain?"Tanong ko.

"Kahit saan Mama,Basta kasama ko kayo."napangiti ako sa sinabi nya.

Naghanap kami ng makakainan at syempre si Alice ang pipili.Nang makapili na kami ay agad kaming pumasok sa loob.Si Dama Maria na ang nagpresintang pumili ng aming kakainan.Nang dumating na ang pagkain ay Bigla akong nakaramdam nang pagihi.Dahil hindi ko kabisado ang daanan papuntang palikuran ay nagtanong ako ay Dama Maria.

"Maria...Nasaan ang palikuran rito?"uminom muna ng tubig si Dama Maria bago magsalita.

"Kumaliwa ka roon at diretso na lang."

"Mama..Saan ka pupunta?"

"Iihi lang anak,Kaya dito ka lang.Huwag kang aalis."tumango na lang si Alice.

Sinunod ko ang sinabi ni Dama Maria.Kumaliwa ako at dumiresto.Pagkapasok ko ay agad akong pumasok sa isang bakante at doon umihi.Pagkalabas ko ay agad akong naghugas ng kamay.Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan kaya sinilip ko ito.Pagkatingin ko ay nabwisit ako sa aking nakita.

"S-steve...."gulat kong sabi,Mas lalo akong nabwisit dahil nakangisi sya.

The Identity Of A Princess (Princess Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon