Kabanata 32-Maynila
Nagiimpake na kami ng aming mga damit.Si Alice ay nalilito.....Kung bakit nagiimpaki ako.
"Mama..."tawag sa akin ni Alice.
"Bakit,anak?May problema ba?My gusto ka bang kainin?"umiling lang sya.bigla syang lumapit sa akin at tiningnan ako sa mukha.
"Saan tayo pupunta?"nakabusangot na sabi ni Alice."Bakit tayo nag-iimpake?"
"Anak....Pupunta tayo sa Maynila...Doon tayo magbabakasyon."sambit ko.
"Ano yung Maynila?Alam ba ni Papa Lucas iyon?"
"Alam nya iyon,anak.Pinayagan nya nga ako eh.Atsaka maganda doon sa maynila."biglang nagningning ang mga mata ni Alice.
"Talaga po Mama?!"masiglang tanong ni Alice.
"Oo anak...."sambit ko.
"Sino po ang kasama natin?"
"Si Dama Maria.."bigla syang nagtatatalon sa Kama namin.
"Yehey!!Makikita ko na si Erwin."nagulat ako sa sinabi ni Alice.Si Erwin,Sya yung anak ni Dama Maria.
"Sige anak...Tulungan mo na lang akong magimpake para mabilis tayong makaalis."tinulungan agad nya akong tapusin ang iilan na damit na tupiin.Si Alice kasi ay matalinong bata,Mabait sya at masunurin pero may pagkamasungit.Kay Steve na siguro namana iyon.Sinabi ko na sa kanya na ama nya si Steve pero.....Naguluhan sya.Naintindihan ko naman sapagkat bata palang sya para maintindihan iyon
Nang matapos na kaming magimpake ay agad naming pinuntahan si Dama Maria para tingnan kung tapos na sya.
Kakatok na dapat kami ng biglang bumukas ang pinto.Nakita namin si Dama Maria na nakangiti,Siguro sabik na syang makita ang asawa at anak nya.Biglang sumulpot si Lucas sa aking tabi at hinalikan ang aking pisngi.Sabi daw nya,ihahatid nya daw kami sa daungan ng barko kaya pumayag na ako.
"Halika na po,Mahal na Reyna."binuhat na ni Lucas ang aking bagahe.Si Alice naman ay buhat-buhat ko.
"Anong na kayang nangyari sayo Steve nang wala ako?"
BINABASA MO ANG
The Identity Of A Princess (Princess Series#1) COMPLETED
Teen FictionPrincess Series#1 Para sa kanya,"Ang Espada ay ginagamit sa kasamaan pero Puso ang sandata sa labanan.." Sya si Alexandra Dela Fuentes,Ang Prinsesang Gustong maging malaya para makapagmahal sya ng puso ang ginagamit.Umalis sya sa palasyo dahil sa pr...