Epilogo
(Makalipas ang Limang taon....)
"Binabasbasan kita,Stephen na maging Hari ng palasyong ito....Sana magampanan mo ng maayos ang iyong kapalaran na nakaatang sa iyo."hawak ni ama ang kanyang espada at binabasbasan nya ito sa paraang pagpatong sa magkabilang balikat ni Steve.
Limang taon na ang lumipas noong pumunta si Steve sa palasyo...Noong umalis na si Lucas sa palasyo ay tuluyan nya nang tinalikuran ang pagiging hari...Siguro nagselos.Nalaman ko na buntis ako noon sa pangalawang anak namin ni Steve,Si Sebastian Alistair Dela Fuentes-Santos ang pangalan nya.Ngayon ay limang taon na sya,Si Alice naman ay siyam na taon.Nagalit pa nga sya noong nalaman nya na may kapatid agad sya pero natanggap nya rin sa huli.
"Love,Nasaan pala si Xander?"kilala na ni Xander si Steve pero si Annah ay hindi pa dahil hindi sya dumadalaw.
"Nandoon sa nobya nya,Inaalagaan dahil may sakit raw kaya hindi nya tayo mapupuntahan."biglang yumakap si Steve sa akin.Alam ko na ang gusto nito.
"Ano na naman ang binabalak mo?"biglang ngumisi si Steve.
"Sundan na natin sila Alice pati Ali...Naiinip na akong magbuhat ng bata..."bigla ko syang sinapak.
"Ayaw ko na...Tama na ako sa dalawa.."biglang ngumuso si Steve.
"Ehhhhhh.....Gusto ko pa eh..."
Iniwan ko syang mag-isa doon,Pupuntahan ko yung dalawang batang iyon baka kung ano-ano na ang ginagawa doon.
Nakita ko sila Lucas at ang bago nyang asawa.Humingi na ako ng pasensya sa kanya,Dahil sa pagsisinungaling ko sa kanya.At ngayon bati na kami.
"Lucas!"tawag ko.Tumingin din sya sa kin.Lumapit sila ng asawa nya.
"Xandra...Binabati ko ang asawa mo sa kadahilanan na hari na sya."ngumiti ako.
"Salamat sa iyong pagbati,Matutuwa iyong unggoy na iyon dahil sa wakas bati na kayo.."bigla syang natawa sa aking sinabi.
"Yung pang-asar ko kay Steve na unggoy,Ginagamit mo na rin pala?"biglang may humila sa akin.
"Back off...She's Mine..."sambit ni Steve.
"Hindi ko aagawin si Xandra sa iyo...May asawa na ako eh...."
"Jojkka(Fuck You)"hindi ko naintindihan ang sinabi ni Steve,Maging si Lucas ay wala ring naintindihan.
"Anong sinabi mo?"
"Sabi ko buo na tayo baby.Halika na!"hinila nya ako.
Masaya na ang buhay ko at wala na akong maaasam pa.Napakaswerte ko talaga....
"Sana....Maging masaya na ang buhay ko....Natin.."sabi ko sa kanya vago ko syang halikan.
Ito ang buhay ko....
-Alexandra Dela Fuentes-Santos
The Identity Of A Princess...
BINABASA MO ANG
The Identity Of A Princess (Princess Series#1) COMPLETED
Teen FictionPrincess Series#1 Para sa kanya,"Ang Espada ay ginagamit sa kasamaan pero Puso ang sandata sa labanan.." Sya si Alexandra Dela Fuentes,Ang Prinsesang Gustong maging malaya para makapagmahal sya ng puso ang ginagamit.Umalis sya sa palasyo dahil sa pr...