KABANATA 15

11 2 2
                                    

Kabanata 15-First Date(PART 2)

Habang papunta na kami sa Mall
Na pagdarausan ng aming date ay di ako mapakali sapagkat ngayon ko lang makikita ang mall na.sinasabi ni Steve.Sabi nya maganda daw ito at malaki.Marami daw ditong mabibili at tsaka napakasaya raw doon.

"Love,Please Stop Moving."

"Hindi lang ako mapakali kasi ngayon lang ako makakapunta sa mall."

"Hindi mo talaga ito pagsisisihan na pumayag kang makipag-date sa akin."

"Sana nga."

Habang umaandar ang sasakyan na sinasakyan namin ni Steve ay pinapanood ko ang mga umaandar na sasakyan sa labas.Wala talaga akong masabi sa mga nakikita ko.Siguro pagnakita ito nila Xander at Ni Annah ay matutuwa pa naman sila.Siguro,magugulat silang dalawa pagnakita nila ulit ang maynila.Si Xander kasi ay nag-aral rito sa maynila noong Grade 5 sya at si Annah naman ay nakapunta na rito noong bata sya.Eh,ako?Hindi man lang ako nakapunta o nakapag-aral rito.

"Where here na!"Masayang batid ni Steve.Pagkatingin ko sa labas ay namangha ako sa aking nakita.Napakalaking gusali na mas malaki sa aming palasyo.

"Ang laki naman."

"Ng Tutuy ko?"

"Ewan ko sayo!Hindi naman yang nasa baba mo ang tinutukoy ko!Yung gusali,ang laki."

"Ganoon ba?Pasensya na."

"Halika na,Gusto ko na makita yung loob ng Gusaling ito."

"Halikan na."

"Anong halikan?"

"Wala.Ang sabi ko,halika na."

"Linawin mong mabuti."Hinawakan nya ang aking kamay at naglakad na kami papuntang pintuan ng mall.

Pagkapasok namin sa loob ng mall ay tunay nga akong namangha.Ang ganda talaga.Parang bumuka ang aking bunganga para pasukan ng bangaw.

"Close your mouth."Napatingin ako kay Steve na nakangisi ngayon.Agad kong sinara ang aking bunganga upang hindi mapasukan ng mga lumilipad na bangaw.

"Let's Go!!!"

The Identity Of A Princess (Princess Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon