Kabanata 14-First Date(PART 1)
Di ko mapakiwari ang aking nararamdaman sapagkat mahal din ako ni Steve.May tumatawag narin sa akin na Mahal.Pero,May problema parin akong kinakaharap.Hindi ko pa sinasabi kay Steve na isa akong Prinsesa.Sana hindi sya magalit kapag sinabi ko ito sa kanya.
"Love..."Bigla na lang nagsalita si Steve sa aking tabi.
"Hmmm?"
"Mahal kita."
"Mas mahal kita."
"Bakit kanina ka pa nakatulala dyan?"
"Wala.May iniisip lang."
"Hulaan ko."
"Sige nga."
"Iniisip mo?Ah....Alam ko na.Iniisip mo yung nangyari sa atin."
"Ikaw talaga!Napakahalay ng Utak mo?"
"Oo alam ko iyon.Alex,Nasa maynila ka.Sana baguhin mo ang pananalita mo.Napakaluma at napakabaduy."
"Hindi ko naman alam kung ano ang mga salita nyo eh.Kaunti lang ang tinuro sa akin ni Lola Geneva.Yung madadali lang."
"Ahhhhhh.....Love,Date tayo."
"Ano yung DATE?"
"May dalawang klase ng date.Yung isa,Petsa at ang pangalawa ay,Iyon yung kakain kayo sa labas ng kasintahan mo."
"Ganoon?"
"Oo naman!Meron kana ngayong bagong salitang natutunan."
"Oo nga.Sige.....DATE tayo."
"Talaga?"Bigla ko na lang nakita sa kanyang mga mata ay puro tala na parang kumikisap-kisap.
"Oo,Pumapayag ako para ito ang unang Date nating dalawa."
Bigla syang tumayo at pumunta sa kanyang kwarto para magbihis.Pumunta na rin ako sa aking tinutulugan para magbihis ng aking susuotin.Nagsuot lang ako ng Isang Bestida at tinernuhan ng isang sandals.
Para lang akong prinsesa sa aking suot.Pero sa totoo,isa akong prinsesa na magiging reyna na tumakas sa kaharian ng Palacio Dela Fuentes.
Lumabas na ako sa aking silid at nagtungo na ako sa sofa upang hintayin si Steve.
"Bakit,parang ang tagal ni Steve?"
"I'm here,Me Amorè."Pagkatingin ko sa kanya ay napatulala ako sakanya.Mukha syang prinsipe sa kanyang suot.
"Mukha kang Prinsipe dyan sa suot mo,Steve."
"Salamat.Ikaw naman ay mukha kang prinsesa sa iyong suot."
"Salamat sa iyong pagbati."
"Halika na."
BINABASA MO ANG
The Identity Of A Princess (Princess Series#1) COMPLETED
Teen FictionPrincess Series#1 Para sa kanya,"Ang Espada ay ginagamit sa kasamaan pero Puso ang sandata sa labanan.." Sya si Alexandra Dela Fuentes,Ang Prinsesang Gustong maging malaya para makapagmahal sya ng puso ang ginagamit.Umalis sya sa palasyo dahil sa pr...