KABANATA 3

20 2 0
                                    

Kabanata 3-Ang Pagtakas

Habang nag-iimpake ako ng mga gamit ko ay biglang may kumatok sa pinto.

"Mahal na Prinsesa.Nandito pa po ba kayo?"Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si dama maria na nakasuot ng damit na pang-alis.

"Aalis na po ako prinsesa Alexandra.Alagaan nyo po muna ang inyong sarili habang wala pa po ak-"Biglang napatigil si Dama Maria ng pinigilan ko sya.

"Sasama ako inyo.Gusto ko pong matqkasan ang lahat ng problema dito sa palasyo.Gusto ko ng tahimik na pamumuhay,kaya Dama Maria.Hayaan nyo po ako na sumama sa inyo."

"Baka hanapin ka sa akin."

"Hindi po iyan.Ako po bahala."

"Sige sumama ka pero kapag hinanap ka wala na akong kasalanan."

"Oo."Iyan na lamang ang nasagot ko.

Habang inaayos ko ang gamit ko na dadalhin ko sa maynila.Di ko alam kung anong mangyayari sa akin sa maynila,Kung Maganda ba o Masama ang kinahihinantnan ng pagtakas ko sa palasyo na ito.

"Ayos na ba ang mga gamit mo?"

"Ah,Eh,Opo.Naayos ko na."

"Halika na at baka mahuli pa tayo ng mga nagbabantay sa palasyo."

Dahan-Dahan lang kami maglakad dahil baka may makarinig ng mga kaluskos ng mga paa namin.Nang nasa Pintuan na kami ng palasyo ay may nakita kaming mga natutulog na tagabantay.

"Mga Taksil.Binabayaran namin sila pero ang ginagawa lang nila ay matulog."Bulong ko sa hangin.

Dahan-Dahan lang kami maglakad dahil baka magising ang mga nagbabantay at hindi na kami makatakas.Nang makalabas na kami ay agad kaming naghanap ng karwahe na pwede naming sakyan.Sumakay na kami sa karwahe dahil baka malaman ng mga nagbabantay sa pintuan na nakatakas ako.Paparoon kami ni Dama Maria sa daungan ng barko at doon kami sasakay papuntang maynila.Siguro maganda sa maynila.Tahimik at Mabango ang hangin katulad ng hangin sa palasyo. Habang nagmumuni-muni ako ay Naramdaman ko na lang na inaantok na ako.

The Identity Of A Princess (Princess Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon