KABANATA 6

12 2 0
                                    

Kabanata 6-Unang Araw

Maaga ako nagising dahil sabi ni Steve ay dapat maaga ako magising para daw sa lahat ng gawain ko.Nakakanibago nga lang dahil isa akong prinsesa at hindi katulong.Hindi ako marunong magluto o maglinis.Si Annah lang ang marunong sa amin dahil lagi syang tumutulong sa mga gawain ng mga dama.Si steve ang nagluto ng almusal namin kaya sa tanghalian ako magluluto.

"Alex,Simulan mo na ang paglinis.Magpipicture mo na ako."Hindi ko na lang sya pinansin.Habang nagpipicture daw sya,Tinitingnan ko lang sya.May hawak syang patpat tapos may nakakabit na parihaba na bagay.Ewan ko pero parang itong hawak kong gamit sa paglilinis.Sabi daw ni Steve,Dustpan daw ito.Siguro pwede itong gamitin.Ginagaya ko na lang yung ginagawa nya.Habang ginagawa ko iyon ay naramdaman kong may nakatingin sa akin.Pagkatingin ko ay nakita ko si Steve na tatawa tawa.Ano kayang nakakatawa?

"Bakit ka Tumatawa?"

"W-wala."

"Anong wala.Tumatawa ka eh."

"Gusto mo malaman?"

"Oo"

"K-kasi...Bwahhhhhhh-bwahhhh...hahahaha.!"

"Ano ang nakakatawa?"

"Kasi yung dustpan ginamit mo bilang selfie-stick.Bwahhhhhh....bwahhhhhh."

"Siguro nababaliw ka na."

"Baka ikaw."

"Sige,Ituloy ko na lang ang paglilinis ko."Habang naglilinis ako ay biglang may nagsalita sa likod ko.

"Mali ang paggamit mo ng walis."Pagtingin ko sa hawak kong walis ay baligtad pala ito.Kaya agad kong inayos ang paghawak nito.

Pagkatapos ko maglinis ay agad akong pumunta sa kusina para magluto.Naalala ko nga pala na hindi ako marunong magluto.Kaya tinanong ko kay Steve kung paano magbukas ng kalan.Siguro,Marami akong matututunan kay Steve sa lahat ng bagay na hindi ko alam.Di ko namalayan na nasusunog na pala ang isdang niluluto ko.

The Identity Of A Princess (Princess Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon