KABANATA 8

12 2 0
                                    

Kabanata 8-Ex-Girlfriend

Di ko talaga alam kung paano ko maiibsan ang galit sa akin ni steve.Kahit anong isipin ko wala akong maisip.Kung reregaluhan ko sya ng bagong plorera ay hindi ko rin magagagawa sapagkat wala naman akong pera na pambili,Nakikitira na nga lang ako eh.Habang naglilinis ako ay iiniisip ko pa rin iyon.

"Linisan mo mabuti iyan ng mga kalat dyan.Iyan na nga lang ang gawain mo,Hindi mo pa magawa."Malamig nyang sambit.

"Steve,pasensya na talaga.Pagnahanap ko Si Dama Maria ay agad kitang babayaran."

"Huwag na.Alam ko naman na tagabundok ka at wala kang matitirhan.Baka sabihin mo pa na hindi ako mabait sa katulad mo"Hindi ko alam na ganyan pala sya kasuplado.

Naramdaman ko na lang na umalis na sya para magtrabaho at iniwan nya ako ritong nag-iisa.Habang naglilinis ako ay manapansin ako na isang litrato ng magkasintahan.Nakita ko si Steve na may kayakap na babae.Siguro ito yung babae na sinasabi nya.

"Ang ganda naman nya."

"Talagang maganda sya."Nakita ko si Steve na nakatayo sa pintuan habang nakahawak sa kanyang baywang.

"Girlfriend ko sya,Pero ngayon Ex ko na lang sya.Nasagasaan yung kotse na sinasakyan namin noon.Lasing ako noon kaya di ko alam kung ano ang ginagawa ko.Nakaligtas ako pero si Mitch hindi."

"Pasensya na."

"Yung vase na nabsag mo,Sa kanya iyon.Iyon yung binigay nya sa akin noong birthday ko.Mahirap lang kasi sya.Binigay pa ng lola nya iyon sa kanya.Dahil mahalaga sa kanya iyon,Ibinigay nya sa akin ang Vase na iyon."

"Pasensya na talaga.Huwag ka mag-alala,Hindi rin ako magtatagal rito."

"Mabuti,Para wala na akong palamunin at pabigat rito."

The Identity Of A Princess (Princess Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon