KABANATA 35

11 2 0
                                    

Kabanata 35-Papa Steve

Nang malaman ni Steve na may anak kami ay agad nya akong yinakap.

"S-steve....Ano ka ba!"gulat kong sabi.

"Hindi ba pwedeng yakapin ka dahil masaya ako?"

"Pwede naman eh pero wag naman ganoon.Nangugulat ka kasi eh...."sabi ko habang nakahalumbaba.

Bigla nyang tinanggal ang pagkakayakap sa akin at hinarap ako.

"Can i see my Daughter?"Di ko naintindihan ang sinasabi nya kaya napanguso ako.

"Oo nga pala!Hindi mo ako maintindihan...hehehe.."
napakamot na lang sya ng ulo.

"Ano ba ang sinabi mo?"tanong ko.

"Ang sabi ko ay...Pwede ko bang makita si Alice?"Maligaya nyang sabi.Tumango na lang ako bilang sagot.

Hinila nya ako palabas ng palikuran.Maraming nakatingin sa amin na para bang'Anong Ginawa nyo sa loob?' Kaya bigla akong napayuko.Biglang hinalikan ni Steve ang aking pisngi kaya nawala ang aking pagkahiya.

Nang nakita na namin ang lamesa na kinakainan nila Alice ay agad kaming nagmadaling pumunta roon.

Nang nasa lamesa na kami ay biglang tumingin sa akin si Alice tapos tiningnan nya si Steve na parang sinasabi nya na'Sino sya mama?'

"Mama....Sino sya?Bakit ang tagal mo pong umihi?Tumae ka po ba?"natatawa ako sa sinabi ni Alice habang si Steve naman ay nagnining-ning ang mga mata.

"Anak....Umihi ako hindi
tumae.Pasensya na kung natagalan ako ito kasing si....."biglang tumaas ang ang kilay ni Alice.

"Mama....Sino po siya?"Tanong na naman ni Alice.Dapat ako ang magsasalita ng biglang sumingit si Steve.

"Alice....."

"Bakit nyo po ako kilala?"

"Sinabi ni Mama mo.Alice kapag sinabi ko ba kung sino ako,Hindi ka magagalit?"biglang umiling si Alice.

"Sige.....A-ako s-si S-steve.....Y-yung-...."Di na naman natuloy ang sasabihin nya ng biglang putulin ni Alice.

"Shhhhhh....Kilala kita,Ikaw si Stephen Santos....Ang aking totoong papa.Pero hindi na ikaw ang Mahal ni Mama dahil Si Papa Lucas na ang mahal nya."Hindi totoo ang sinabi ni Alice na hindi ko na mahal si Steve.Sinabi ko lang sa kanya para hindi nya sabihin sa papa nya na nagtataksil pa rin ako sa kanya.

"S-sino si L-lucas?"Nauutal na tanong ni Steve.Umiling lang ako bilang sagot.Naintindihan naman siguro ni Steve kung bakit umiling ako.

"Baby Alice....Sorry kung w-wala a-ako sa tabi mo noong ipinanganak ka....Sorry....."pag hihingi ng tawad ni Steve.

"Sabihin mo muna na mahal mo si mama...."

"Mahal na Mahal ko si mama mo..Pero May Lucas na sya."

"Sabi mo mahal mo Si mama diba?Edi Ipaglaban mo sya..."Biglang yinakap ni Steve si Alice.

"So pinapatawad mo na ako?"tumango si Alice."Mahal na Mahal ko kayo ni Mama Alex mo...Hinding-hindi ko kayo ipagpapalit sa kung anong bagay."Yinakap nya rin ako.

"Mahal din kita Papa....Pasensya na sa lahat ng Sinabi ko sa iyo.Pero sa totoo lang,Mahal ka pa ni Mama eh..."Biglang tumaas ang isang sulok ng labi ni Steve kaya bigla akong namula.

"Papa Steve......"Sambit ni Alice lay Steve.

The Identity Of A Princess (Princess Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon