KABANATA 25

9 2 0
                                    

Kabanata 25-Pamamaalam

Ngayong araw na ito ay ang pagpapakilala ko sa prinsipe ng Palacio Alvarez.Kahit gusto kong tanggihan si ama,wala akong magagawa.

"Dama Maria....Dama Maria!!"tawag ko kay Dama Maria.

"Ano iyon,mahal na prinsesa?"

"Gusto kong ipaalam mo ako kay ama,Pupunta ako sa maynila para ibigay ang sulat kay Steve."

"Prinsesa,Pwede namang ako na lang ang magbigay sa kanya ng sulat."

"Hindi na,Samahan mo na lamang ako."

"P-pero....B-baka pagalitan ka....At saka,ilang oras na lang ay ipapakilala ka na ng iyong ama sa Prinsipe ng Palacio Alvarez."umupo ako sa kama.

"Dama Maria....Hindi ko naman tatanggihan ang prinsipe,Gusto ko lang makita si Steve sa huling pagkakataon."

"Sige...Ipapaalam na kita pero.....Samahan mo ako."napangiti ako.Alam kong marupok si Dama Maria sa akin.

"Sige po,Halika na sa baba."Utos ko.

Habang pababa ako ng hagdan ay labis akong nagagalak sapagkat magkikita kami ulit ni Steve.Nangungulila ako sa kanya ng lubos.Pero may bahagi sa akin na parang nalulungkot....Nalulungkot sa kadahilan na baka galit sya sa akin.

Nang makarating na kami sa Trono ni ama ay nakita ko syang kausap si ina.Nang makita nya kami ay agad na lumapit ako sa kanya.

"Ama..."tawag ko.

"Bakit anak?May problema ba?"

"Wala naman po pero may sasabihin si Dama Maria sa iyo."linapit ko si Dama Maria kay ama.

"Anong kailangan mo Dama?"

"K-kasi p-po....Gusto k-ko lang sanang ipaalam si Prinsesa Alexandra na.....Pupuntahan namin ang nobyo nya si S-steve."

"Malapit na ang pagpapakilala ko sa iyo kay Prinsipe Lucas,Ilang oras na lang.Matatagalan ang biyahe nyo roon."

"Pwede po bang sabihin nyo na lang kay Prinsipe Lucas na maghintay sila kahit saglit na oras lang....Mabilis lang naman kami.At saka,hindi naman po ako tatakas.Magpapaalam lang ako kay Steve."Mahabang paliwanag ko.

"Mabuti at naliwanagan ka na..Na hindi pa sayo iyang Steve na iyan.Pangpagulo lamang sya sa iyong isipan.Lalo na't pinagbubuntis mo ang anak niyo."kahit masakit ama,Kailangan kong gawin para sa palasyo.

"Kahit masakit ama,Tatanggapin ko."

"Oh sya....Sige,pinapayagan na kita pero,Bumalik ka kaagad."

"Opo ama."yinakap ko si ama ng pagkahigpit-higpit.Tapos ng yakapan ay hinila ko na agad si Dama Maria.

Nag makalabas na kami sa Palasyo ay agad kaming Sumakay sa Karwahe para ihatid kami sa daungan ng mga barko.

Nang nasa daungan na kami ng barko ay agad akong sumakay.Sapagkat,nasasabik na akong makita si Steve.Lalo na't ito na ag huli naming pagkikita.

(Mahigit ang Tatlong oras)

Sa wakas ay nandito na kami ni Dama Maria sa maynila.Kailangan ko lang hanapin kung anong pintuan ang bahay nya.Nang mahanap ko ang bahay nya ay agad kong napansin na nakabukas ang pintuan nito.

Nang makapasok na ako,ay agad akong nagulat sa aking nakita.Si Steve na walang saplot na pangitaas at parang nakainom sya dahil sa mga boteng alak.agad ko syang linapitan

"S-steve....Anong g-ginagawa mo sa buhay mo?"nang marinig nya ang boses ko ay agad syang luminga sa akin.

"Bakit ka narito,S-sinabi k-ko ba na p-pumasok k-ka rito.HAH!"

"Steve...."

"Hindi ko kailangan ng manloloko na katulad mo."nasaktan ako sa aking narinig.

"S-steve...H-hindi a-ako pumarito para pag-usapan ang pagsisinungaling ko sa iyo.Naparito ako para magpaalam at ibigay sayo ito."linagay ko sa lamesa ang sulat na ginawa ko sa kanya noong kagabi.

"Mabuti kung ganoon,Kung magpapaalam ka magpaalam ka.Kung anong gusto mong ibigay,ibigay mo.Wala na akong pake sa iyo."Napakasakit pero totoo.

"S-simulan ko na.Steve...Sana huwag mong pababayaan ang iyong sarili.Sana maging masaya ka na.Hindi ko papahabain ang sasabihin ko sapagkat nasa sulat na ito ang lahat ng gusto kong sabihin.Pero ito ang tatandaan mo...Mahal na mahal kita."napaiyak na ako.

"Sige na...Umalis ka na.Baka hindi pa ako makapagtimpi sa iyo at masapak kita."agad akong tumayo at pumuntang pintuan.Nakita kong umiiyak na rin si Dama Maria.

"Halika na,Dama Maria.Alis na tayo."

Sana,Hindi ito ang huli nating pagkikita.Mahal na mahal kita...Steve Santos

The Identity Of A Princess (Princess Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon