KABANATA 24

9 2 0
                                    

Kabanata 23-Sulat para kay Steve

"Pero ama....."

"Wala ka nang magagawa,Alex.Hindi ka nya papanagutan sapagkat galit sya sayo.Sa kadahilanan na nagsinungaling ka sa kanya."totoo si ama,galit nga si Steve sa akin.

"Alam ko pong galit si Steve sa akin pero.....May anak kami.Paano na ito lalaki ng wala ang ama nya?"

"Kaya nga ipapakasal kita kay Prinsipe Lucas,Diba!Para may kalakihang ama ang anak mo."

"P-pero h-hindi k-ko sya mahal."sabi ko.

"Kung totoo ka nyang mahal,Dapat pinaglaban ka nya noong kinuha kita.Pero ano,Hindi ka nya pinaglaban bagkus nakatingin lang sya sa bintana."naalala ko tuloy yung sinabi ni Steve sa akin.

'Ipaglalaban kita...'

"Ipaglalaban kita...'

'Ipaglalaban'

"Oh,Anak.Ano napaisip ka?Diba totoo ang sinabi ko sayo.Hindi ka nya mahal.Hinding-hindi."

"Mahal nya ako.MAHAL AKO NI STEVE."Umalis ako at pumunta ako sa aking Silid.

"Alexandra,Kinakausap pa kita.ALEXANDRA!"Rinig kong sigaw ni ama.Agad kong sinara ang pinto at umupo ako sa aking kama.

"Mahal ako ni Steve...M-mahal nya ako...."napaiyak ako.Kahit ilang buwan lang naging kami ay naging masaya ako sa kanya.

Ilang oras na akong umiiyak,May mga pumunta na dama rito,sina Xander,Si Ina at si ama.

"Kung gawan ko kaya si Steve ng sulat."kumuha ako ng papel at lapis at agad akong nagsulat.

Mahal kong Steve,

                Steve,Pasensya na kung hindi ko sinabi ang totoo sa iyo.Natatakot lamang ako na baka...hindi mo ako mahalin.Pasensya kung nagsinungaling ako sayo.

               Kahit ilang buwan lang naging tayo ay hindi ko mapigilang maging masaya.Marami akong natutunan sa iyo.Miss ko na si Lola Geneva,Sana sabihin mo sa kanya na nakabalik na ako sa aming palasyo.

        Steve,Sa ilang buwan na iyon ay maraming nangyari pero....Ang kaganapan na ito ang pinakamasaya sa talambuhay ko.

         Steve,Buntis ako at ikaw ang ama.Ipapakasal na ako ni ama sa isang prinsipe.Sya si Prinsipe Lucas.Gusto kong tumanggi pero....Para sa kaharian,gagawin ko.Naatras ang koronasyon ko bilang reyna.Gaganapin na ito sa susunod na tatlong taon.Sana,ikaw na lang ang hari ko.

       Mahal na mahal kita Steve,Hanggang sa muli nating pagkikita.Sana hindi na lang ako prinsesa,Para malaya akong mahalin ka.

   Nagmamahal nang Lubos,
  Prinsesa Alexandra Dela Fuentes
"Palacio Dela Fuentes"

Napaiyak na ako ng lubos....Sana hindi na lang nangyari ito.
                   

The Identity Of A Princess (Princess Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon