KABANATA 27

8 2 0
                                    

Kabanata 27-Hindi Sasaktan

Maganda ang pagsalubong sa amin noong pumasok kami.Puro Maharlika lang ang narito.

"Pare..."rinig kong sabi.Pagkalingon ko ay agad kong nakita si Reyna Mina.Bakit parang wala si Prinsipe Lucas?

"Pare...kamusta ka na?"tanong ni Haring Lito.

"Ito,mabuti naman.Napakaganda ng inyong palasyo."sabi ni ama.

"Alagang-alaga,Pero mas maganda ang palasyo nyo."natatawang sabi ni Haring Lito.Matanong ko nga kung nasaan si Lucas.

"Pwede po bang sumingit ako sa inyong usapan,ama?"pakikisuyo ko.

"Pwede naman anak."

"Matanong ko lang po,Nasaan si Prinsipe Lucas?"biglang kinilig sina Reyna Mina at Ina.

"Napupusuan mo na ba ang aking anak?Kung oo,Mabuti iyon para hindi na kayo mahirapan kapag kinasal kayo."
Kailangan kong magsinungaling para hindi mapahiya sila ama at ina.

"H-hinahanap k-ko p-po a-ang anak nyo sapagkat....Napupusuan k-ko p-po sya.Kaya p-pwede po b-bang malaman k-kung n-nasaan sya?"

"Alexandra,Huwag ka mag-alala.Nagpapagwapo lamang iyon.Sapagkat,Parehas lang ang pagtingin nya sayo."

"Ganoon ba?Sige po.Hihintayin ko na lang sya sa hardin."sabi ko.

"Sige.Sasabihin ko na lang sa kanya na puntahan ka na lang nya."sabi ni Haring Lito.

Pumunta na ako sa hardin ng Palasyo.Puro Pulang rosas ang aking nakikita pero mayroon din naman ditong ibang bulaklak.Inamoy ko ito.

"Anak,Naaamoy mo ba ang rosas na ito?"habang hinihimas ko ang aking tiyan.Inamoy ko ito ng inamoy.

"Gusto mo pala ang Pulang Rosas,Prinsesa?"napalingon ako ng marinig ko ang boses na iyon.

"Prinsipe Lucas?"

"Ako nga mahal ko,Nandito ako.Kapag kinasal na tayo,Gusto mo ba na pulang rosas ang hawak mong bublaklak?"

"P-pwede."pag-sang-ayon ko.

"Sabi daw ni ama,Napupusuan mo rin ako,Tama ba?"

"Para sa palasyo,Oo.Pero para sa sarili ko,Hindi.Sana maintindihan mo Lucas."

"Nasaan sya at Sino sya?"mukhang malungkot na sabi ni Prinsipe Lucas.

"N-nasa maynila sya....Tapos pangalan nya ay.....Stephen Santos.Steve tawag ko sa kanya."

"Paano mo sya nakilala?"

"Sa paraan kung paano nagkakilala ang iyong ama at ina."pagsisinungaling ko.

"G-ganoon ba?Bakit di mo tinutulan ang kasal kung mahal mo sya?"sabi ni Lucas.

"Para sa palasyo,At para sa anak namin."

"A-anak?"gulat na tanong ni Lucas.

"May anak na kami ni Steve,Nasa tiyan ko palang.Gusto ni ama na ipakasal ako sayo para magkaroon ng ama ang aking anak."

"Huwag ka mag-alala,H-hindi kita sasaktan."

"Salamat."yinakap ko sya ng pagkahigpit-higpit.Sana mahalin din kita.Sana....Sana....

The Identity Of A Princess (Princess Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon