KABANATA 31

13 2 0
                                    

Kabanata 31-Paalam para sa bakasyon sa maynila

Lumipas ang Limang taon ay napakasaya,sapagkat walang akong problema.Kasama ko si Lucas at aming anak,Si Samantha Allison Dela Fuentes-Alvarez na binigyan namin ng palayaw na Alice.Tinuring ni Lucas na totoong anak si Alice pero gustong-gusto nya na bigyan ko sya ng sarili nyang anak pero hindi ako pumapayag sa kadahilanan na hindi pa ako handa.Naiintindihan naman ni Lucas iyon,kaso nararamdaman ko na nakukulangan na sya.

Marami nang nangyari dito sa palasyo.Marami ng kaganapan tulad ng...May Nobya na si Xander,Masaya ako para sa kanya pero noong kwinento nya kung paano sila nagkakilala ay nainis ako sa kanya.Sa amin naman ni Lucas ay marami ring kaganapan tulad ng isa na kaming hari at reyna.Tuwang-tuwa sya noong koronasyon namin pero ako......Hindi,kasi may isa akong gustong maging hari.....at si Steve iyon.

Wala akong balita kay Steve,pero ayos na sa akin na magkalayo kami para sa sarili din namin.Di ko parin matago na may pagmamahal pa ako sa kanya.Hindi ko masisisi sapagkat may naiwan syang alaala sa akin....Ang anak namin.

Naramdaman ko na lang na may tumabi sa akin at kilalang-kilala ko ang amoy na iyon.

"Lex....."tawag sa akin ni Lucas.

"Hmmmm...."sagot ko.

"Bigyan mo na ako ng anak..."pang-aakit sa akin ni Lucas.Naramdaman ko na lang na nagiinit na sya sa akin.

"Diba sinabi ko naman sayo na....Hindi pa ako handa."maayos kong sambit sa kanya.Bigla syang tumayo at ginulo ang kanyang buhok.

"Puro ka hindi pa handa....Dahil ba iyan sa Dating mong nobyo?"punong-punong emosyon na tanong ni Lucas.

"H-hindi....H-hindi naman s-sya a-ang dahilan...H-hindi p-pa talaga ako h-handa m-mabuntis,Kasi d-diba m-masakit..."nauutal kong sagot sa kanya.Nakita kong bumalik ang kanina nyang huwisyo.Kalmado na sya ngayon.

"Mabuti...Kasi may asawa ka na....Dapat kalimutan mo na sya kasi.....Nandito naman ako diba?"tanong nya.Tumango na lamang ako bilang sagot.

Dapat ay hahalikan nya ako pero biglang dumating si Dama Maria,Pinapatawag daw si Lucas ni ama.Umalis na sya tabi ko pero may pahabol pa...Ninakawan ako ng halik ng kumag!

Nang nakaalis na si Lucas at dapat na aalis si Dama Maria pero tinawag ko sya.

"Dama Maria..."biglang lumingon si Dama Maria.May asawa na si Dama Maria at may isa na silang anak.Alam naman ng asawa nya na Pamilya ng Maharlika ang inaalagaan nya.Suportado naman kami sa mga gastos nila.

"Bakit po Mahal Na Reyna?"nakangiting tanong ni Dama Maria.Sa ngiti pa lang ni dama maria ay alam mong may nangyayari ulit sa kanila ng asawa nya.

"Diba dadalawin mo ang asawa mo sa Maynila?"

"Opo...Bakit po ba?"

"Sama ako,sama kami ni Alice."biglang nagulat si Dama Maria sa aking sinabi.

"Pero....."pagputol ko sa sasabihin nya.

"Magpapaalam tayo,huwag kang mag-alala."

"Baka hindi kayo payagan nyan."

"Huwag kang mag-alala,Ako bahala."

"Sabi nyo iyan."tumayo ako sa kama at sumama kay Dama Maria magpaalam.

Nang nasa trono na kami ay nakita namin si Lucas at si ama na nag-uusap.Makikigulo muna ako.

"Ama...."tawag ko kay ama.

"Bakit naman anak?May problema ba?"

"Wala naman...May gusto lang sabihin si Dama sa inyo."bigla na naman nagulat si Dama Maria.Parang may sinasabi sya na 'bakit ako mahal na reyna?'
Pero siyempre na paoo ko rin sya.

"Kasi po......G-gusto k-ko sanang isama si Reyna Alexandra at ang aking alaga na si Alice sa maynila kung pwede po ba?"

"Bakit naman?"tanong ni Lucas.
Hindi na nakasagot si Dama kaya ako na lang.

"Magbabakasyon lang naman kami,Lucas.At saka wala naman kaming gagawin eh."

"Hmmmmm...."nagiisip na sagot ni Lucas at ni ama."Sige...Pinapayagan na kita pero wala kang gagawin na masama.Dalawang Linggo lang kayong pwede,ayos ba iyon?"pagpayag ni ama.tumango ako bilang sagot.

"Makakabalik na ulit ako sa maynila...."sambit ko sa aking isipan.

The Identity Of A Princess (Princess Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon