KABANATA 17

9 2 2
                                    

Kabanata 17-Henry Cruz

Tatlong linggo ang nakalipas nang nag-date kami ni Steve ay puno ng kasiyahan ang aking buhay.Pinaparamdam nya sa akin na mahal na mahal nya ako,na ako lang at wala nang iba.

Minsan,nagiging baliw ako kapag pinapakilig nya ako sa mga banat nya.Siguro,sya talaga ay para sa akin.Pumasok ngayon si Steve at ako lang ang natira rito.Minsan nakakabagot pero masaya naman.

Napagisip-isip ko na lumabas para magpahangin.Nang makalabas ako sa bahay ni Steve ay doon ko linabas ang aking dinadamdam.Bumuntong-hininga ako.

"Hayssss......Buhay nga naman,puro problema.Sana matapos na akng problema sa aming palasyo."
Bumuntong-hininga na naman ulit ako.

Lumabas ako sa Gate nila Steve ng biglang...

"Hello there,Miss Beautiful.....I am Henry,Henry Cruz.

"Pasensya na,Wala po akong interes sa inyo.Kaya po umalis ka sa aking daraanan."

"Well,Alam kong bago ka pa lang rito dahil ngayon lang kita nakita.Tama ba ako?"

"Tama nga.Bago lang ako rito.Dito sa bahay ni Steve."

"Diyan ka pala nakatira,Sa bahay ni Steve.Mag-ingat ka sa kanya."

"Bakit naman ako mag-iingat?"

"Di mo ba alam na Fucker si Steve.Dami na nyang nakatalik noong highschool kami."
Kahit di ko naintindihan pero parang nakaramdam ako ng galit.

"Hindi totoo iyan!"

"Totoo ang sinasabi ko sayo,Nga pala,kaaway ko sya."

"Kaaway mo sya,kaya mo ito ginagawa sa kanya."

"Sinasabi ko lang sayo,pero.....kung ayaw mo maniwala...Edi huwag."

Sana hindi totoo ang sinasabi ni Henry tungkol kay Steve.Mahal na mahal ko kaya hinding hindi ako maniniwala.Kahit sino pa ang magsabi,hindi ako maniniwala pwera lang kung sabihin sa akin ito ni Steve.

The Identity Of A Princess (Princess Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon