KABANATA 9

13 2 0
                                    

Kabanata 9-Isa akong Prinsesa

Ilang linggo ang nakalipas matapos kong basagin ang plorera ni Steve.Nagtatampo parin sya sa akin pero kaunti na lang.Hindi ko na lang iniisip yung pagiging prinsesa ko,wala rin namang mangyayari.

Ngayon,nagtratrabaho ako sa isa sa mga gusali rito sa maynila.Sabi daw ni Steve,Condo daw ito.Doon marami daw nakatira tapos maganda daw roon.Tama namam sya,Maganda nga kaso maingay.Maingay kasi may naririnig akong kumakanta,panget naman ang boses.Minsan nga,Nag-aaway,nagsisigawan at marami pang iba.

Habang papunta ako sa condo ni Lola Geneva para maglinis at alagaan sya.Si Lola Geneva ay isang Matandang babae na walang anak o asawa.Mag-isa lamang sya sa condo.Minsan,nalulungkot daw sya kasi wala daw syang kasama.Sinabi ko na lang sa kanya na ako na lang ang mag-aalaga sa kanya para hindi na sya malungkot.Araw-araw,Lagi nya akong binabayaran ng isang libo.Sabi ko sa kanya,kahit huwag na lang ako bayaran,pero si lola mapilit.

Nang makarating na ako sa condo ni Lola Geneva ay agad akong kumatok.Pagkabukas ko ay nakita ko si Lola Geneva na may hawak na pusa.

"Iha,Apo nandiyan ka na pala.Namiss kita."
Yinakap nya ako at hinalikan ako sa pisngi.

"Nandito na po ako.May mga lilinis pa po ba ako o sasamahan ko na lang po kayo rito?Nakakabagot po kasi sa bahay eh."

"Wala ka nang lilinisin apo,Dito ka na lang.Kwentuhan mo ako tungkol sa buhay mo."Patay!Paano ko ikwekwento sa kanya ito?Alam ko na!Gagawa na lang ako ng istorya pero,ayaw kong magsinungaling.

Nang makapasok na kami sa loob ng bahay ni lola ay agad kami umupo sa upuan na parihaba.

"Apo,kwento mo na sa akin ang buhay mo."

"Ah..eh...H-huwag p-po k-kayo m-magugulat sa i-ikwekwento ko."

"Bakit ka nauutal?May sakit ka ba?"

"W-wala po."

"Ganoon ba?Sige ikwento mo na."

"N-noong bata po ako,Lahat ng gusto ko ay nasusunod.Panganay po kasi ako.Pangalawa si Annah,Pangatlo si Alexander."

"Lahat kayo Puro "A" ang unang pangalan."

"Tama po kayo,Puro "A" Po kami kasi kailangan sundin ang nakasulat sa patakaran ng palasyo."

"Palasyo?Anong palasyo?"

"Ayun na nga po ang sasabihin ko,Huwag po kayo magugulat.Kahit atakihin sa puso,bawal."

"Sige sabihin mo na apo."

"Isa po akong prinsesa."

"Isa kang prinsesa?"Tinakpan ko ang bibig ni lola dahil baka may makarinig.

"Opo lola,Isa akong prinsesa.Prinsesa na magiging reyna sa susunod na dalawang taon."

"Kung isa kang prinsesa,Bakit ka narito?Bakit wala ka sa palasyo nyo?"

"Wala po ako sa palasyo kasi,Nagkaroon ng problema kahit hindi kami ang gumawa."

"Sige,Di ko na papakialaman ang problema nyo pero,Paano kapag may nakaalam?"

"Di ko po alam.Basta ikaw pa lang po ang nakakaalam,wala po akong problema."

"Apo,makakaasa kang hindi mabubunyag ang sikreto mo.Ligtas ito sa pangangalaga ko"

At ngayon,may nakakaalam na sa aking sikreto.Sana hindi sabihin ni lola ito.

The Identity Of A Princess (Princess Series#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon