Kabanata 20-Pagdating ng Amang Hari
Ngayong araw na ito ay parang may mangyayaring hindi maganda.Parang kinakabahan ako.
"Love,Bakit parang balisa ka?"
"Wala,May iniisip lang ako."
"Baka ako."
"Anong ikaw?"
"Ako ang iniisip mo.Kasi mahal mo ako."
"Adik ka nga."
"Saan ako adik?"
"Sa akin ka adik.Kasi mahal mo ako."
"Mahal din kita."Sana hindi magkatotoo lahat ng nasa isip ko ngayon.
Habang nagluluto kami ni Steve ay di talaga ako makapaniwala.Sapagkat,Noong una pa lang kaming magkakilala ay napakasungit na at mukha syang binabae kapag nagsasalita sya.Tapos ngayon,Naging kami ng isang normal na lalaki.At ako ang Prinsesang babae.Pagnagkaroon kaya kami ng anak,tatanggapin kaya sila ni ama?
Biglang may kumatok sa pintuan ng bahay ni Steve."Ako na ang magbubukas."Presinta ko.
"Sige."Bumalik na sya sa kanyang ginagawa.
Pumunta ako sa pintuan ng bigla akong nakaramdam ng kaba.Pagkabukas ko ng pintuan ay nagulat ako sa aking nakita.
"A-ama?"
"Oo anak,Nandito ako."
"Alex,Sino nandyan?"Narinig ko ang pagbaba ng sandok.Nang pagkalapit sa akin ni Steve ay bigla syang nagulat.
"Sino po ang hinahanap nyo?"
"Hinahanap ko ang aking anak na prinsesa."
"Wala po rito ang hinahanap nyo.Baka po nasa kabilang bahay."
"Kung nasa kabilang bahay,sino itong nasa aking harapan?"Napatingin sa akin si Steve na parang gulat na gulat.
"N-nagkakamali p-po k-kayo.W-wala r-rito a-ang h-hinahanap nyo."
"Nandito sya,Alex sumama ka na sa akin."
"A-ama,H-hindi po pwede."
"Alex,Kilala mo sya?"
"Pasensya na pero.....Oo,Kilala ko sya."
"K-kaano-ano mo sya?"
"A-ang aking amang hari."
"Paano?Ang alam ko,isa kang tagabundok na babae na hinahanap mo ang isang tao diba?"
"Oo....Pasensya na."
"Bakit mo ako,linoko?"Nakita ko na may luhang lumalandas sa mata ni Steve.
"Steve....."
"BAKIT MO KO LINOKO!"sinakal nya ako pero bigla syang sinapak ni ama.
"Wala kang karapatang saktan ang aking anak!Isa ka lang normal na tao,at isa akong hari!"Sigaw ni ama kay Steve na ngayo'y puro dugo na ang mukha.Hindi ko kayang makita ang aking minamahal ng dahil sa akin.
Pinagsasasapak ng mga kasama ni ama si Steve."Ama,tama na yan.Wala po syang ginagawang masama!"Nagulat na lang ako ng bigla nya akong sampalin.
"WALA KANG KARAPATAN NA SIGAWAN AKO,PRINSESA ALEXANDRA DELA FUENTES!AKO ANG AMA MO AT ISANG HARI KAYA WALA KANG PAKEALAM KUNG ANONG GAGAWIN KO SA LALAKING IYAN!"
"Oo,prinsesa lang ako.Pero ako ang magiging reyna sa susunod na taon.Kaya may pakealam ako sa gagawin mo sa lalaking minamahal ko!Wala rin akong pake kung ama kita o maging hari ka man."Linapitan ko si Steve na puro dugo na sa mukha.
"Steve......sorry....."
"Umalis ka na!Hindi na kita kailangan.Isa kang manloloko!Linoko mo ang puso at isipan ko!"Nagulat ako sa kanyang sinabi.
"Halika na Alex,umalis na tayo!Mag-uusap pa tayo."
Habng hinihila ako ng mga kasama ni ama ay tinitingnan ko si Steve na nakatingin lang sa bintana.Sana hindi na lang ako,prinsesa.Sana malaya ako katulad ng mga norma na tao para ako ang masusunod sa aking gusto.
BINABASA MO ANG
The Identity Of A Princess (Princess Series#1) COMPLETED
Teen FictionPrincess Series#1 Para sa kanya,"Ang Espada ay ginagamit sa kasamaan pero Puso ang sandata sa labanan.." Sya si Alexandra Dela Fuentes,Ang Prinsesang Gustong maging malaya para makapagmahal sya ng puso ang ginagamit.Umalis sya sa palasyo dahil sa pr...