KABANATA: 09

1.2K 48 5
                                    

Tell me please. Who is Kate in your life?

"Eh? She's my Cousin."

Napakunot ang noo ko sa naging sagot niya. Hindi ko inakalang ganoon ang magiging sagot niya.

Cousins and kissing?

"Niloloko mo ba ako? I saw you leaning towards her. You're going to kiss her!" harap harapan kong sabi sa kanya.

Naalala ko nanaman tuloy kaya bumabalik nanaman ang inis na nararamdaman ko sa kanila ni Ma'am Kate.

Akala siguro niya masyado akong tanga para paniwalaan na mag-pinsan lang sila.

"Hey. Kung ano man yang naiisip mo, No! Hindi ko hahalikan si Kate." natatawang aniya.

Naglakad siya palabas ng kusina para pumunta sa Living area kaya naman mabilis akong sumunod.

Mukhang tinatakbuhan niya ang mga tanong ko.

"I saw you when I was sick. Galing akong meeting then pagbalik ko sa Office mo. I saw you smiling from ear to ear while leaning on Ma'am Kate, Like you are waiting for each other to do something."

Malakas na tumawa naman siya nang matapos akong magsalita dahilan para mas makaramdam ako nang inis.

Anong nakakatawa? Gina-gago ata ako nito eh!

"Nakita mo ba akong hinalikan si Kate?" tanong niya na ikinatigil ko.

"We're just cousins. Besides, even if she's not my cousin I still won't kiss her. She's my bestfriend's girlfriend for fucks sake!" kalmadong dagdag pa niya.

Inaamin kong hindi ko mismo nakita kung naka-lapat ba ang labi nila sa isa't isa pero ganoon agad ang naisip kong kakahantungan noon dahil palapit ang mukha nila sa isa't isa.

Nagkamali ba ako?

Ang bad mo, Micka!!

Tumayo siya at lumapit sa akin dahil napansin niyang hindi na ako makapag-salita.

Bigla akong nakaramdam ng hiya sa kanya. Sakanila ni Ma'am Kate. Ang dami ko pa namang sinabing masasamang salita tungkol sa kanila sa isip ko.

Napaka-sama mo, Micka!!

"So, this was the reason why you're acting like that. I was so fucking worried about you that time yet you're ignoring me just because you thought I kissed her?"

Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Hindi ko alam pero may part sa dibdib ko na parang gustong mag-wala nang puso ko sa loob nito.

Bakit ang saya sa pakiramdam nang malaman kong hindi niya hinalikan si Ma'am Kate? Siguro dahil alam kong hindi masasaktan si Kuya Mikael. Oo, tama!

"Tapos sabi pa ni Mikael na may lalaking naghatid daw sayo pauwi. It was Ethan. Pinuntahan kita sa inyo dahil gusto kitang makita, hindi ko naman alam na nilalagnat ka nung oras na yun. Kung alam ko lang, ako na mismo ang nag-hatid sayo." dagdag niya pa pero nanatili akong tahimik sa harap niya.

"You and Ethan seems really close." naka-ngiting sabi niya pero ramdam ko ang pagiging plastik ng ngiting yun, "Micka, I like you." dagdag niya kaya mas lalong umurong ang dila ko.

He... What?

Hindi ko inaasahan na sasabihin niya ang salitang iyon. I can feel something inside me that I can't explain.

Simula nang halikan ako ni Sir Daniel sa Opisina niya ay may nararamdaman na akong hindi ko talaga kayang ipaliwanag. May sakit ba siyang nakakahawa kaya ganito ang naging epekto niya sa akin?

The President's Tint (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon