KABANATA: 30

886 29 8
                                    

Wala sa sariling bumangon ako mula sa pagkakahiga. Ramdam ko ang pananakit ng ulo at buong katawan ko pero hindi ko na ito pinansin. Inilibot ang tingin sa paligid kung nasaan ako.

Clariz's room.

Pagtayo ko mula sa kama saka ko lang napansin na nasa lapag sila Ethan at John na natutulog pa rin. Ginising ko sila para lumipat sa ibabaw ng kama pero tulog mantika ang mga ito kaya hindi ko nalang sila inisorbo at dumiretsyo nalang ako sa CR para magayos ng sarili.

"Good morning, How was your sleep?" bungad sakin ni Clariz pagpasok ko sa kusina, "Masakit ba ang ulo mo?" dagdag niya.

"Slight, Good morning." sagot ko sa kaniya.

Medyo nabawasan ang sakit ng ulo ko dahil nakaligo na ako. Buti nalang ay same size lang kami ni Clariz kaya may mahihiraman ako ng isusuot.

Hindi naman gaanong marami ang nainom namin kagabi dahil lahat sila ay galing sa trabaho at mga pagod kaya agad din kaming nakatulog.

Lumapit ako kay Clariz at pinanood siyang magluto. She's a nutritionist, kaya naman kapag kami ang magkakasama ay siya ang nagluluto o pumipili kung ano ang kakainin namin.

"Yung dalawa?" tanong niya habang naghahain sa harap ko.

"Tulog pa." sagot ko.

Akmang magsasandok na ako ng pagkain pero hinampas ni Clariz ang kamay ko dahilan para mapanguso ako.

"Aray!" reklamo ko.

Tinawanan niya lang ako at inutusang gisingin yung dalawa para sabay sabay kaming kumain kaya wala akong nagawa kung 'di sumunod.

Ang kaninang natutulog sa lapag ay nasa ibabaw na ngayon ng kama. Sinipa ko si Ethan kaya nadamay si John na nasa tabi niya at sabay silang nalaglag mula sa kama dahilan para magising ang mga diwa nila.

Masamang tingin ang ibinigay nila sa akin pero pinandilatan ko lang sila, "Get up! Kakain na." saad ko.

Magrereklamo pa sana sila pero wala rin silang nagawa dahil nawala na raw ang antok nila. Pinalabas nila ako sa kwarto dahil magaayos daw muna sila.

As if naman may i-aayos pa ang mukha nilang dalawa.

Habang hinihintay namin ni Clariz sila Ethan ay chineck ko muna ang phone ko. May messages galing sa team namin at tinatanong kung kukuha ba ako ng ibang project and I answered them 'No'.

Gusto ko rin munang magpahinga sa trabaho ngayon kaya hindi muna ako tatanggap ng project for 3 months. Minsan lang naman 'to kaya kailangang sulitin.

I also received a text messages and missed calls last night from Ryker, tinatanong kung nakauwi na ba ako pero ngayon ko lang siya nareplyan.

To: Ryker Hynson

Nakila Clariz pa ako. Good morning, boss. Can we meet later, with the squad?

Inaaya namin siya kagabi pero ayaw niya dahil hinahatak daw talaga siya ng sarili niyang kama kaya hindi na siya nakasama.

Tinext ko rin si Kuya kahit wala akong nareceived na message mula sa kaniya. Mukhang sanay na siyang hindi ako umuuwi sa bahay, ha?

"Good morning, baby."

Napailing nalang kaming dalawa ni Ethan nang halikan ni John si Clariz sa harap namin. Tumabi sa akin si Ethan habang nasa harap naman namin yung dalawa.

They are still together, Sana all.

After namin kumain ay nagpaalam na rin akong uuwi. I invited them sa bahay since day off naman nilang lahat including me na may 3 months leave. Sinabihan ko rin si Ryker para mapagusapan namin ang magiging bakasyon namin.

The President's Tint (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon