SIMULA

2.5K 88 74
                                    

"Miss President, Go to my office after class."

"Yes sir." napipilitang sagot ko bago siya tuluyang lumabas sa classroom para iwan ang klase namin.

Napasapo ako sa noo ko, Ako nanaman? Hindi ba pwedeng yung Vice president nalang ng Classroom namin? Lagi nalang ako ang nag-aasikaso sa lahat, lagi nalang ako ang inuutusan ng Adviser naming gumawa ng kung ano-ano.

Hindi naman sa nagrereklamo ako pero parang ganon na nga. Anong silbi ng Vice president dito sa klase na ito kung laging, Ako nalang!?

Napatingin ako sa Vice president namin at kasalukuyang nagme-make up ito. The fuck. Nasa klase Make up? The Audacity lol.

Napailing nalang ako saka lumapit sa Secretary ng section namin para hingin sa kanya ang kopya ng Attendance na siguradong hihingin sakin ni Sir kaya niya ako pinatawag.

Bakit hindi nalang kasi niya direktahing kunin sa Sekretarya? Bakit lagi akong damay? Tss.

"Ikaw nanaman ang inutusan girl." mapang-asar na sabi ng Sekretarya sa Klase namin na isa sa mga kaibigan ko.

Lagi akong nagra-rant sa kanya tungkol dito pero wala namang nangyayari dahil wala naman akong magagawa, responsibilidad kong gawin ito.

Napairap nalang ako saka kinuha ang mga gamit ko bago lumabas sa silid at dumiretsyo sa Opisina ng Adviser namin.

Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok, hindi ko maitatanging gwapo talaga ang Adviser namin ngayong taon. Fresh graduate, Fresh na Fresh.

I am wondering, Ilang taon na kaya si Sir?

Sinenyasan niya akong umupo sa upuan kaharap ng table niya kaya sumunod ako.

Inilapag ko sa lamesa niya ang papel ng Attendees ngayon sa klase namin. Hinihintay ko pa kung may iuutos siya o sasabihin pero nakatingin lang siya sa Monitor ng computer niya at busy sa pag-tipa ng kung ano.

Mukhang wala naman na akong gagawin dito kaya tumayo ako mula sa kinauupuan ko dahilan para matigilan siya sa ginagawa at mapatingin sa akin.

"Uuwi na po ako Sir. Bye po." pormal na paalam ko.

Lalabas na sana ako mula si Opisina niya pero napahinto ako nang magsalita pa siya. Akala ko ba tapos na?

"Uuwi?" napatingin ako sa kanya, nakasandal siya sa upuan niya habang naka-krus ang mga braso sa dibdib niya habang nakatingin sa akin ng seryoso.

Napakunot ang noo ko, "Opo, uuwi na ko dahil dismissal na po." sabi ko ng magalang.

Tinaasan niya ako ng kilay dahilan para magtaka ako. Napaka-sungit talaga nitong teacher na 'to. Isa nalang talaga at iisipin kong bakla siya at naiinggit lang sa akin dahil maganda ako.

"Narinig ko kayo kanina ng mga kaklase mo, Magiinuman kayo mamaya? Saan?" natigilan ako sa sinabi ni Sir.

Bigla akong kinabahan, pano niya nalaman yan? Narinig niya? Kailan? Eh hindi naman namin napag-usapan yun kanina habang nasa room siya.

"Miss President," may diing sabi ni Sir habang nasa akin pa din ang paningin. "Be a role model to your classmates."

Medyo malayo ako sa kanya, nakaupo siya sa upuan niya habang nakatayo naman ako sa may pintuan.

"I-It's just a Celebration Sir." mahinang sabi ko habang nakayuko.

Ano ba naman 'to? Ngayon lang naman kami nagka-ayaan mag-inom dahil walang bumagsak sa amin sa test. Bakit ba kasi nalaman nitong teacher na 'to?

"Celebration for what?" pormal na tanong niya pero hindi ako sumagot, nanatili akong tahimik at hinihintay na pagalitan niya.

Isusumbong niya ba kami sa Guidance Office? Pero bakit ba nangingi-alam siya? Hindi naman kami sa loob ng School magiinuman ha?

The President's Tint (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon