"That's all for today. Class, Dismissed!" our professor finally declared.
Halos mag-unahan ang mga kaklase ko sa pag-aayos ng gamit nila para makalabas na sa Classroom. Sinadya kong bagalan ang kilos ko dahil wala naman na akong susunod na klase at ayaw ko rin naman makipagsiksikan pa sa kanila.
"Hindi ka pa uuwi?"
Saglit na sinulyapan ko ang nagsalita sa tabi ko pero agad ko ring iniwas ang tingin ko sa kanya. Ibinalik ko ang atensyon ko sa pag-aayos ng gamit ko, hindi ko sinasagot ang mga tanong niya at wala akong balak na kausapin siya.
Nang matapos ako sa pagaayos ay agad ako naglakad palabas pero parang asong nakasunod pa rin siya sa likod ko kaya naman inis na huminto ako at humarap sa kanya.
"Aso ka ba!?" singhal ko.
He smirked, "Kasi ang English ng aso ay dog?"
Ampucha. Ang lakas talaga mang-badtrip ng taong 'to.
"Alam mo?" itinuro ko siya at pilit na pinapakitang badtrip ako sa kanya.
"Hindi ko pa alam eh. Pwedeng sabihin mo?"
Kung hindi ko siguro kilala ang taong 'to ay masasabi kong seryoso siya pero hindi eh. Halatang iniinis niya ako.
"Hoy! Ano yung hindi ko alam? Sabihin mo naman." pangu-ngulit niya.
Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa inis. Wala na siyang araw na pinalampas. Walang araw na hindi niya ako babadtripin. Ewan ko kung sinasadya niya ba yun pero minsan okay naman kami, pero madalas napipikon talaga ako sa kanya.
"Bakit ba sinusundan mo ako?" sigaw ko sa kanya.
Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil halos napatingin ang mga students sa gawi namin pero parang baliwala lang yun sa kanya. Wala siyang pakialam sa mga nakatingin sa amin.
Hindi ko na siya hinintay mag-salita. Tinalikuran ko na siya at halos takbuhin ko na palabas ang University.
Halos ilang buwan na rin simula nang magsimula ang klase ko as a college student. Nakapasa at nakapasok ako sa gusto kong University kaya naman tuwang tuwa ako. Medyo nahihirapan nga lang ako dahil medyo malayo ang bahay namin sa Valle University at pahirapang mag-commute.
"Hop in!"
May humintong itim na sasakyan sa harap ko at sakaysakay non si Ryker Hynson. Ang lalaking kanina pa sunod nang sunod at kanina pa ako iniinis.
Lord!!!
"Hey, neighbour! Hop in!" ulit niya.
Nakakahiya dahil nasa tapat siya ng sakayan. Nagko-cause siya ng traffic pero wala talaga siyang pakialam.
Panay ang pag-busina ng mga sasakyan sa likod niya pero nakatingin pa rin siya sa gawi ko at hinihintay akong lumapit sa kaniya.
God!! Kailangan ko muna ng peace of mind kahit ngayon lang. Ilayo niyo muna si Ryker sa buhay ko please!
"Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka sumasakay!" may halong pagbabantang sigaw ni Ryker mula sa loob ng sasakyan niya.
Mukhang naiinis na ang mga tao na kasama ko sa tapat ng sakayan dahil sa kanya. Hindi kasi makaabante ang mga bus at jeep dahil hindi siya umuusad.
Napaka-papansin!
No choice. Nahihiyang yumuko ako at mabilis na naglakad palapit kay Ryker. Binuksan ko ang backseat ng sasakyan niya at pumasok sa loob. Narinig ko pang sinabihan ako ng 'Pabebe' nung isang kapwa ko student pero hindi ko nalang pinansin.

BINABASA MO ANG
The President's Tint (UNEDITED)
JugendliteraturMickalla Perez, the Student President in their Class. He is Daniel Gilles, their fresh graduate; class adviser who's always asking what shade of tint she's wearing everytime he sees her. He's so weird, is he gay? (Former title: Miss President, I l...