"Hoy Perez! Pinapatawag ka sa Office ni Sir Daniel! Bilisan mo raw!" sigaw ng isa sa mga kaklase ko pero hindi ko siya pinansin.
Nakatingin lang ako sa notebook ko kahit wala naman akong binabasa doon.
Sobrang ingay sa loob ng klase na 'to. Ultimo ibang Officers na imbis mag-saway ay sila pa mismo ang nagpapasumuno para mag-ingay.
"Miss President! Tawag ka ni Sir!" panibagong boses nanaman ang tumawag sa akin para sabihing hinahanap ako ng Adviser namin.
Punyeta!
Napatingin ako sa kabuuan ng klase namin at napa-isip kung bakit ako nag-titiis makisama sa mga kaklase kong ito.
May mga naglalaro ng mobile games sa likod:
"Putangina, ang bobo mo! Kunin mo yung Turtle baka maunahan ka pa ng kalaban, tanga!"
"Tanga mas bobo ka! 12 lang score mo kanina sa Quiz out of 50!"
"Makapag-salita ka jan, mas lamang ka lang naman sakin ng isang score! Bobo ka pa rin!"
Napailing ako saka tumingin sa kabilang grupo, naturingang mga istudyante pero mga nagsusugal ng patago:
"Hulaan mo, last 2 digits."
"Akin muna hulaan mo!"
"Wag na kayo mag-digits, 'di na uso yan. Try natin' to, Color game! Oh sino sa sasali?"
Kumunot ang noo ko, mga pesteng 'to! Ang kakapal ng mukha.
Napalingon ako sa sulok ng classroom kung saan mismo nakatutok ang aircon. Hindi ko alam kung anong mararamdam ko, kung maiinis ba o matatawa ako sa nakita kong mag-jowang naglalampungan:
"Babe, ang lamig."
"Hayaan mo babe, yayakapin kita para di masyadong malamig."
Eh mga punyeta kayo! Talagang lalamigin kayo dahil nasa tapat kayo ng Aircon. Lakas niyong lumandi mga bobo naman kayo minu-minuto!
"Miss President! Nagagalit na si Sir! Pumunta ka na raw sa Office niya! Kanina ka pa niya pinapatawag."
Inis na napatayo ako kaya umingay ang upuan na kinauupuan ko kanina dahilan para mapatahimik ang mga punyetang kasama ko sa loob ng klase.
"Punyeta! Ang i-ingay niyo!" halos manghina ako sa sobrang lakas ng pag-sigaw ko.
"Hala gago, nagalit!"
"Pre, hinaan mo yung volume."
"Babe, nakakatakot si President."
"President niyo Shout-girl na."
"Nice, Panalo pa!!!"
Napalingon ako sa likod, aba't talagang hindi pa rin sila tumitigil sa pagsusugal. Sinamaan ko sila ng tingin kaya napahinto din sila agad sa ginagawa nila.
"Ang sabi mag-review diba? What are you guys doing? Playing your mobile games instead of reading your notes? magsu-sugal at magla-landian sa tapat ng aircon at sasabihing nilalamig kayo? Punyeta kayo!"
"Hayaan mo sila, Mickalla." napalingon ako sa nagsalita, "Hayaan mo sila, Buhay nila yan." dagdag niya pa habang nakatingin sa hawak niyang maliit na salamin.
Napa-ngisi ako sa sinabi niya. Wala talagang may lakas ng loob mag-salita ng ganyan kung 'di si Tatiana, ang Vice President namin sa klase.
I was about to say something when someone entered the room.
"Where's your Class President? Kanina ko pa pinapatawag pero hanggang ngayon ay wala pa rin!?"
The Class Adviser, Sir Daniel Gilles.

BINABASA MO ANG
The President's Tint (UNEDITED)
Novela JuvenilMickalla Perez, the Student President in their Class. He is Daniel Gilles, their fresh graduate; class adviser who's always asking what shade of tint she's wearing everytime he sees her. He's so weird, is he gay? (Former title: Miss President, I l...