KABANATA: 37

831 32 8
                                    


"...May I call Ms. Mickalla Perez here on stage to give a heartwarming message for our newly wed couple." napalingon ako sa Emcee nang banggitin nito ang buong pangalan ko.

Bigla akong napayuko dahil halos lahat ay nakatingin sa akin. Saktong may laman pang pagkain ang bunganga ko dahilan para mas mahiya ako.

Bigla bigla naman, Kumakain ako eh!

"Give your brother a short message, anak." Mama whispered beside me.

Uminom muna ako ng tubig at pinunasan ang labi bago tumayo at maglakad papunta sa Stage.

Kakatapos lang ng Wedding Ceremony at kasalukuyan kaming nasa Reception. Kakasimula ko pa nga lang kumain pero tinawag agad ako.

Hindi ba pwedeng kumain muna ako?

Ang alam ko ay ako talaga ang mage-emcee dahil ayun ang usapan namin ni Kuya pero bigla niyang binawi kagabi. Gusto niya raw na mag-enjoy din ako sa araw ng kasal nila.

Mage-enjoy pa rin naman ako kahit ako ang Emcee.

"Kakasimula ko lang kumain, tinawag mo agad ako." natatawang sabi ko sa Emcee na isa rin sa mga kaibigan ni Kuya.

"Sinadya ko talaga. Request ng kapatid mo." pabirong aniya kaya tinawanan ko nalang siya.

"Hi Kuya and Ate, You guys are finally married, Congratulations!!" I exclaimed as soon as I grabbed the microphone.

Kinawayan ko sila Kuya at Ate Kate na naka-upo sa harap ng Stage katabi ang magandang Wedding Cake nila. They Both smiled at me.

"Sabi ni Mama, mag-bigay daw ako ng short message sayo, Kuya. At dahil mabait akong anak, at nag-iisang magandang kapatid mo, susundin ko ang utos nila kahit medyo labag sa loob ko."

Narinig ko ang mahinang tawanan ng ibang bisita. Napa-higpit ang pagkakahawak ko sa mikropono. Grabe, bakit ako kinakabahan? Hindi naman ako ang ikinasal.


"So... This is an impromptu message. Hindi ako prepared so don't expect to much. Ako lang 'to." I winked.

"So, gusto ko lang ipaalam sa lahat na sobrang swerte ko dahil kapatid ko itong lalaking 'to, pero mas swerte siya dahil ako ang kapatid niya." Inirapan ako ni Kuya ng pabiro dahil sa sinabi ko.

"Kinakabahan ako, Kuya..." natatawang sabi ko.

"Go." he mouthed.

"Ahm, Thank you. Thank you for always being there for me. You have been not just my brother, but you are also my bestfriend and even a father figure to me from time to time."

"Lagi kang nasa tabi ko kahit anong mangyari sa akin, Hindi mo ako pinapabayaan. Lagi kang nakaalalay at nakasuporta sa lahat ng ginagawa at desisyon ko sa buhay."

"Kapag masaya ako, nakikita kong masaya ka rin para sa akin. Kapag malungkot naman ako, mas malungkot ka pa sa akin. Whenever I was upset, you never failed to be there just to dry my tears and cheer me up, Offering my comfort food; Rocky-road Ice cream."

Nakita ko ang totoong ngiti sa labi ni Kuya. Hinawakan niya ang kamay ni Ate Kate dahilan para mapa-ngiti rin ako.

I'm so happy for the both of them.

"Thank you for being my brother." medyo natawa pa ako dahil sa sinabi ko, "Well, I didn't have any choice with this one, but I truly cannot imagine... What my life would be like without you as my brother. Ngayon, Aalis ka na sa bahay. Magkakaroon ka na ng sariling tahanan at bubuo na ng sariling pamilya. Iiwan mo na kami nila Mama at Papa sa bahay."

Hindi ko maiwasang maluha. I don't know why pero hindi ko maiwasang malungkot habang ini-imagine na walang Kuya Mikael sa Bahay para asarin o guluhin ang buong araw ako.

"Nakapag-usap na tayo kagabi pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang mababakante na ang kwartong nasa harap ng kwarto ko. Wala ng mainggay na mambubulabog sa akin kapag napasobra ang tulog ko. Wala na akong tatakbuhan kapag may lumilipad na ipis sa loob kwarto ko. Sino nang papatay non? Alam mo namang halos mawalan ako ng hangin kakasigaw kapag nakakakita ng gwapong insekto."

"Kuya... Masaya ako dahil finally, kasal na kayo ni Ate Kate. Alam kong mahal niyo ang isa't isa. Basta, yung promise mo sa akin ha? You will visit us whenever you're not busy.  I'm going to miss you."

I wiped my tears as I saw my brother's crying. Why the fuck are we crying?

"Why are you crying?" I hissed, "Pa oh, si Kuya umiiyak. Parang hindi masaya!" sumbong ko kay Papa.

Tawanan nanaman ng mga tao ang narinig naming lahat. Wala sa sariling napangiti si Kuya sa ginawa ko, as I am.

"Kapag wala ako sa bahay, sino na ang magaalaga at magpapakain kay Danny? Baka ma-miss ka ng pamangkin mo." parang batang sabi ko.

"Bumalik naman na ang Daddy niya. Hindi na niya kailangan ang Tito niya." pabirong sagot niya dahilan para maginit nanaman ang pisngi ko.

Alam kong nasa paligid lang si Daniel, hindi ko sigurado kung narinig niya ang sinabi ng kapatid ko dahil hindi naman ito naka-mic.

Nakita ko siya sa simbahan kanina pero hindi ko pa rin siya nakikita dito sa Reception simula kanina. Kila Mama kasi ako sumabay papunta rito.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman natawa siya. Inilayo ko sa labi ko ang mikropono saka mahinang nagsalita pero sapat na para sila Ate Kate at Kuya Mikael lang ang maka-rinig.

"Nakaka-inis ka."

"Totoo naman." pang-aasar pa niya.

Nagsalita akong muli gamit ang mic, "Ate Kate, take care of him. Kahit ganiyan yan, super love ko yan." My sister-in-law nodded while smiling.

"And for the both of you, I hope that you will continue to be the dedicated, hardworking and kindhearted that you have been all these years. Also continue to be the supportive and caring individuals that you are."

"I wish you a lifetime of happiness and long lasting love for each other. May god blesses you, us. I love you both." Itinaas ko ang hawak kong Champagne glass, "Cheers for the newly weds, Mr. And Mrs. Perez."

"Ate Kate, Welcome to our Family." I giggled.

"Hi."

Napalingon ako sa lalaking tumabi sa akin. Inabutan niya ako ng tubig at tinanggap ko naman agad yun.

"S-San ka galing? Bakit ngayon ka lang?" tanong ko kay Daniel.

"Why? Did you miss me already?"

Napanganga ako sa naging tanong niya pero agad din akong nakabawi. Inirapan ko siya at ibinalik ang atensyon ko sa pagkain ko.

Napaka-hangin!

Natawa siya nang mapansing wala akong balak makipagtalo sa kaniya. Inilapit niya ang upuan niya sa tabi ko at inilagay ang isang braso sa sandalan ng kinauupuan ko. Para tuloy siyang naka-akbay sa akin.

"Nasa kabilang table lang ako. Kanina pa kita tinitignan habang kasama mo yung mga pinsan mo. Nakita kong umalis sila kaya naman nilapitan na kita."

"Ah..." tamad na sabi ko.

"Kanina ka pa kumakain." puna niya.

Hindi ko nalang ulit siya pinansin. For the past few weeks simula nang magkasakit siya ay wala na siyang ibang ginawa kung 'di kulitin at asarin ako.

Hindi na siya muling nagsalita. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at hinawakan ang kaliwang kamay ko. Hinayaan ko nalang siya sa ginagawa niya hanggang sa matapos akong kumain.

"Sayaw tayo." bulong niya pero nasa ganoon pa rin ang posisyon naming dalawa.

"Kakakain ko lang." sagot ko.

"Micka..." he called my name.

"Hmm?"

"I'm courting you, are you aware?"





just short ud for this day. thank you xoxo

The President's Tint (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon