"Oh?"
Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng phone ko. Napatingin ako sa oras. 1:25 am na. Bakit naman tumatawag ng ganitong oras ang lalaking 'to?
[Alam mo ba kung nasaan si Micka?]
Napakunot ang noo ko sa naging tanong ni Mikael mula sa kabilang linya.
"No." sagot ko agad.
[Tumawag sa akin kanina. Magi-inom ata. Sabi niya kasama niya si Clariz, for sure kasama rin si Ethan, pre.]
"Nasaan ka ba?" tanong ko.
[Secret.]
May tono ng pang-aasar ang boses ni Mikael bago pinutol ang tawag. Napakalakas din mang-trip nitong gagong 'to.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at mabilis na nag-palit ng damit. Damn it, asan ka nanamang babae ka? At talagang kasama mo nanaman yang lalaking yan, huh?
Hindi ko siya kinausap simula kaninang makita kong hawak ni Ethan ang kamay niya pagpasok nila sa Classroom. Nag-init ang ulo ko nang makita ko ang lalaking yun na hawak hawak ang girlfriend ko.
Gusto ko man siyang ilayo kay Ethan noong mga oras na yun pero pinigilan ko ang sarili kong gumawa ng eksena na siguradong hindi magugustuhan ni Micka.
Sinubukan kong tawagan ang phone niya pero hindi ko siya ma-kontak. Kinuha ko ang records ng mga students ko para makuha ang phone number ni Clariz, Sinubukan ko rin itong tawagan pero tulad ng girlfriend ko ay hindi rin ito ma-kontak.
Mag-bestfriend nga kayo.
Inis na lumabas ako sa unit ko at naghintay ng Elevator. Saan ko naman hahanapin ang babaeng yun ng ganitong oras?
God, Mickalla! Sumasakit ang ulo ko sayo.
Natigilan ako sa pag-iisip nang bumukas ang Elavator sa harap ko at bumungad sa akin ang mga taong hinahanap ko.
"What the fuck?"
"Sir."
Hindi ko pinansin ang mga kasama niya. Nanatili lang ang paningin ko kay Mickalla. She's a mess! Sobrang dungis niya!
Lalapitan ko na sana siya pero bigla siyang umiwas sa akin at mas lumapit pa sa Ethan na yun. Napa-buntong hininga nalang ako sa ginawa niya.
Tangina.
Kalma, Daniel. Intindihin mo nalang ang girlfriend mo.
Kinausap ko si Clariz. Tinanong ko sa kaniya kung anong nangyari. Dahil daw tapos na ang finals nila ay nagka-ayan silang uminom pero hindi raw nila inaasahang maglalasing ng sobra si Mickalla.
Bumukas na ang elevator at naunang lumabas si Micka. Muntik pa ito matisod dahil sa kalasingan niya pero naalalayan agad siya ni Ethan.
Kotang kota na sakin 'tong Ethan na 'to.
Sinabi kong ihahatid ko siya pero hindi siya pumayag. Nagmamatigas siya at panay ang pag-tanggi kahit sinabi kong tatawagan ko ang kapatid niya. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Kung makulit ka, mas makulit ako.
Lumapit ako sa kaniya dahil naiinis ako sa paraan ng pag-dikit niya kay Ethan. Binuhat ko siya na para bang isang sako ng bigas. Wala na akong pakialam sa mga kasama niya.
She's so stubborn! Damn it!!
Panay ang paghampas niya sa likod ko pero hindi ko siya pinapansin. Kalmahan mo pa, Daniel. Pinasok ko siya sa loob ng kwarto ko at naiwan ang mga kasama niya sa living area ng unit ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/236918228-288-k378147.jpg)
BINABASA MO ANG
The President's Tint (UNEDITED)
Teen FictionMickalla Perez, the Student President in their Class. He is Daniel Gilles, their fresh graduate; class adviser who's always asking what shade of tint she's wearing everytime he sees her. He's so weird, is he gay? (Former title: Miss President, I l...