KABANATA: 13

1K 42 2
                                    


"Micka, dinner na." kumakatok si Kuya Mikael mula sa labas ng kwarto ko.

Agad na tumayo ako at naglakad palabas papunta sa Dining dahil gutom na gutom na rin ako.

Pagpasok ko roon ay naabutan ko si Sir Daniel at Ma'am Kate na nag-uusap pero hindi ko sila pinansin at nag-tuloy lang sa pwesto ko.

"Hi, Micka." Bati ni Ma'am Kate kaya sinulyapan ko siya.

"Hi, Ma'am." pilit na ngiting bati ko.

"Ahm, drop the formality pag tayo-tayo lang ang magkakasama. If you want, Y-You can call me... Ate." nahihiyang aniya at may halong pag-aalinlangan.

Seryosong nakatingin lang ako sa kanya at parang naiilang naman siya sa paraan kung paano ko siya titigan.

"Gutom na ako, Ate." sabi ko kaya napangiti siya, ganoon rin si Kuya Mikael.

Pinipilit ko ang sarili kong 'wag tumingin kay Sir Daniel. Hanggang ngayon kasi ay naiinis pa rin ako dahil sa sinabi niya kanina.

Aaminin kong nasaktan ako sa sinabi niya. Para kasing sinasabi niya na kung sino sino nalang ang nilalapitan kong lalaki at biglang yayakapin o hahalikan. I can't stop myself but to overthink. Naiinis ako sa paraan nang pagsasalita niya kanina.

Si kuya mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ko, ganyan talaga siya pag good-mood. Sana all.

"More." sabi ko habang naglalagay siya ng kanin sa plato ko.

"Gutom ka?" tanong ni Ma'am Kate.

Err.. Ate Kate.

"I think so, She didn't take her breakfast nor lunch." napairap ako sa sinabi ni Kuya.

"Sila Mama? Anong oras uuwi?" tanong ko dahil baka buong buhay ko na ang maikwento niya sa girlfriend niya.

"Hindi raw sila uuwi ngayong gabi dahil marami daw silang inaasikaso." paliwanag niya kaya napa-tango nalang ako.

Ite-text ko nalang sila mamaya to make sure that they're safe.

"Bakit hindi ka kumain kanina?" tanong ni Ate Kate.

"Hang-over." maikling sagot ko kaya tumango nalang siya. She looks like she was limiting herself to ask questions about me.

"Lumabas siya kasama yung friend niya kanina. Ewan ko kung anong ginawa. Teka, ano nga palang ginawa niyo 'non? Diba siya rin yung naghatid sayo noong may sakit ka?" sunod sunod na tanong ni Kuya.

Napa-ngisi ako sa naging tanong ni Kuya. Tutal ganon naman ang iniisip ni Sir Daniel, Why not panindigan ko na lang, Diba?

"We kissed." I said like it's a normal thing.

Mukhang gulat na gulat naman si Ate Kate at Kuya Mikael habang si Daniel naman ay hindi maipaliwanag ang naging reaksyon.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa kinakain ko.

Ganon naman ang tingin niya sa akin diba?

"What the fuck?" inis na sabi ni Kuya.

"S-Sinong classmate?" gulat na tanong ni Ate Kate.

"Etha---"

"Let's talk, please." katahimikan ang bumalot sa lahat nang tumayo si Daniel mula sa kinauupuan niya habang hawak ang braso ko.

Nakatingin lang ako sa braso kong hawak niya at binawi ko iyon, "Kumakain ako." sabi ko saka itinuloy ang pagkain.

"Micka.." nanlalambot ang puso ko sa tono ng boses niya, "Please." hinawakan niya muli ang braso ko.

The President's Tint (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon