Today is Wednesday, I didn't go to school yesterday because i was still sick. Okay na ako ngayon kaya naman napag-desisyonan ko nang pumasok. Ayaw pa sana ng pamilya ko pero nagpumilit ako.
Wala naman kasi akong gagawin sa bahay if magi-stay pa ako doon ng isang araw, And kailangan na rin namin asikasuhin ang nalalapit naming party sa saturday. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin kaming napag-uusapang plano.
"Magaling ka na?" bungad ni Clariz pagpasok ko sa Classroom.
I'm 5 minutes late. I was expecting na may teacher na sa klase pero wala pa kaya naman nagdire-diretsyo ako papasok sa loob.
"Okay na ako." I answered Clariz while placing my bag on the chair. "Wait."
Naglakad ako palapit kay Ethan na nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Napahinto sila sa pagku-kwentuhan nang mapansin nila ako sa harap nila.
"President." bati sa akin ni John pero nginitian ko lang siya.
"Here, Thanks for this."
Inabot ko ang Hoodie na ipinahiram sa akin ni Ethan noong araw na nilalagnat ako, nilabhan yun ni Mama kahapon kaya naman natuyo agad at naibalik ko na sa kanya.
"Hindi ako nakapag-pasalamat ng maayos sayo ng personal. I just want to say thank you for taking me home, thanks for the meds and for the hoodie of yours." I sincerely added.
"Oh," kinuha niya sakin ang inaabot kong hoodie niya, "Sana hindi mo na ibinalik." naka-ngiting aniya.
Napa-nguso ako. Ayaw niyang ibalik ko pa? Bakit? Baka may body odor na?
Napansin naman niyang nag-iba ang reaksyon ko kaya mabilis na umiling siya, "D-Don't get me wrong, Okay? What I mean is, Sana hindi mo na ibinalik. You should keep it, sayo nalang sana--- Aish, Nevermind." pag-suko niya.
"Ililibre sana kita ng lunch pero na-offend ako sa sinabi mo. Parang ibig mo kasing sabihin may body odor ako eh."
Gusto kong matawa sa gulat na reaksyon niya pero pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil gusto ko siyang pag-tripan. He looks so nervous.
"Hey, that's not what i meant." He said.
"Grabe, Ethan. All this time, ganyan pala ang tingin mo sa akin? Nakaka-hurt ng feelings." pagkukunwari ko pa.
"Hala ka pre."
"Hina naman, Ethan."
"Gago mo pre, Bakit sinabi mo yun kay President!?"
Pang-aasar pa sa kanya ng mga kaibigan niya kaya hindi ko na naiwasang matawa.
"Just kidding." nakangiting sabi ko.
Baka bigla kang umiyak eh.
"Ang corny mo naman." kunot noong aniya.
"May plano ka mamayang Lunch?" tanong ko.
Napatingin siya sa mga kaibigan niya na para bang nag-uusap sila gamit ang mga mata nila.
"Nako, walang plano yang si Ethan, Pres." sagot ni John kahit hindi naman siya ang tinatanong ko.
"S-Sabay tayo mag-lunch ah." hindi agad siya nakapagsalita sa sinabi ko, "Balik na ako sa pwesto ko." paalam ko sa kanila bago tumalikod pabalik sa pwesto namin ni Clariz.
"S-Sige." rinig ko pang habol na sabi ni Ethan pero hindi ko na siya nilingon.
Mabilis na nagsimula ang klase, unang subject namin ay Research kung saan ang teacher namin ay si Ma'am Kate. She's 16 minutes late.
Mukhang may trinabaho sa Office.
"Mukhang mabait naman girl." bulong ni Clariz sa tabi ko habang na kay Ma'am Kate ang paningin naming dalawa, "Sabi mo, Bitch?" dagdag pa nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/236918228-288-k378147.jpg)
BINABASA MO ANG
The President's Tint (UNEDITED)
Roman pour AdolescentsMickalla Perez, the Student President in their Class. He is Daniel Gilles, their fresh graduate; class adviser who's always asking what shade of tint she's wearing everytime he sees her. He's so weird, is he gay? (Former title: Miss President, I l...