KABANATA: 16

1K 43 3
                                    

"Micka, wake up. Love."

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang boses na yun. Sinilip ko muna si Daniel saka muling gumulong sa kama ko para hanapin kung nasaan ang komportableng posisyon.

"5 minutes. Still sleepy..."

Hindi ko alam kung narinig niya ako dahil sobrang hina ng boses ko.

"Micka..." he calls me again.

Imbis kasi na magising ako sa ginagawa niya ay mas inaantok ako. His soft voice makes me calm and sleepy at the same time. Pero panay pa rin ang pangungulit niya kaya pilit kong idinilat ang mga mata ko.

"Happy birthday." I'm just staring half at him while he's walking towards me with a cake on his hand, "Make a wish."

"Kanina ka pa, nakakainis ka na!"

Tinawanan niya lang ako at sinenyasang hipan na ang kandila. Ginawa ko na lang ang sinabi niya pag tapos ay nilapag niya sa Study table ko ang cake na hawak niya bago ako niyakap.

"Happy birthday uli." he greeted me again.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niya akong nabati. Pag patak pa lang ng 12:00 mn, kasabay ng bagong taon at kasabay din ng birthday ko, wala na siyang ibang ginawa kung 'di batiin ako.

"Happy New year." bati ko sa kanya.

Dito siya nag-celebrate para salubungin ang new year. Kasama namin sila Mama, Papa at Kuya. Wala na ang ibang relatives namin dahil nagsi-uwian na sila bago mag bagong taon including lolo. May balak pa nga sanang magpa-iwan si Roselyn pero buti naisama pauwi nila Tita.

Nako, masasaktan ko na talaga yung babaeng yun pag nagka-taon.

Tinanong ko pa nga si Daniel kung bakit hindi siya sa kanila mag-celebrate ng new year pero sabi niya mas gusto niya raw na kasama ako at gusto niya raw magka-roon ng solo time ang parents niya.

Gusto raw kasi ma-solo ng daddy niya ang mommy niya.

"May regalo ako sayo." naka-ngising aniya.

Ayan nanaman ang regalong yan.

Magsasalita na sana ako pero tumayo siya at lumabas sa kwarto ko. Hindi ko alam pero kapag kalokohan nanaman ang ibinigay niya sakin, papauwiin ko na siya sa kanila.

Christmas... He gave me a sachet of Condom. That jerk! Ilagay ko raw sa Wallet ko para swerte. Ginawa niyang lucky charm!!

Sino bang nagpa-uso non? Ang baduy.

Wala tuloy akong choice kung 'di ilagay din yun sa Wallet ko.

Naisipan ko namang mag-ayos muna ng sarili dahil kagigising ko lang. Binilisan ko lang ang paliligo ko dahil nilalamig din ako. Past 3:00 am na siguro kami naka-tulog kaninang madaling araw kaya na-late ako ng gising.

"OMG!"

Dali dali akong tumakbo palapit kay Daniel nang makita ko ang hawak niya. Naka-upo siya sa kama ko kaya lumuhod ako sa harap niya para mahawakan ko ang sobrang cute na puppy sa lap niya.

Inis na tumayo naman siya at lumayo sa akin kaya tinignan ko siya ng nagtataka. Problema nito?

"Umupo ka nga." inis na sabi niya.

Hindi ko na lang pinansin ang pagiinarte niya. Umupo ako sa ibabaw ng kama ko saka niya inilapag ang hawak niyang golden retriever puppy sa tabi ko.

So cute.

"Is he or a she?" tanong ko ng hindi inaalis ang atensyon sa puppy.

"He."

He looks so adorable! Ang cute niya.

The President's Tint (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon