KABANATA: 25

851 36 14
                                    

What is he doing here?

"Kilala mo?" tanong ni Ryker sa tabi ko pero hindi ko siya pinansin.

Nakatingin lang kami sa sasakyan na nakahinto sa harap namin. Maya maya pa ay lumabas si Daniel sa sasakyan niya pero hindi man lang niya kami nagawang tapunan ng tingin. Dumiretsyo siya sa Backseat at binuksan ang pinto noon. Napakunot ang noo ko sa ginawa niya pero agad din akong nakabawi nang makita kong pilit niyang ginigising si Kuya Mikael sa loob ng sasakyan niya.

What the?

Lumapit ako sa kanila at agad namang lumayo si Daniel sa akin. Hindi ko nalang pinansin ang ginawa niyang pagiwas niya at tinuon ko ang buong atensyon ko sa kapatid ko.

"What the fuck? Kuya, Amoy alak ka!" inis na sabi ko at tinampal ang pisngi niya para magising siya pero umungol lang ito at bumalik sa pagkakapikit ng mata.

"He's really drunk..." Daniel suddenly spoke, "Let me carry him." he added.

His voice gave me chills.

Bakit ganito pa rin ang empekto niya sa akin?

Napa-urong nalang ako para bigyan siya ng Space. Pilit niyang binubuhat si Kuya pero masyadong makulit ang kapatid ko at ayaw magpahawak kaya naman hindi niya 'to mabuhat ng maayos.

Akmang tutulungan ko sana siya pero biglang lumapit sa amin si Ryker at siya mismo ang tumulong kay Daniel para mabuhat ang kapatid ko. Nakita ko pa ang pagkunot ng noo ni Daniel at sandaling natigilan dahil hindi siya familiar kay Ryker.

Ako ang kumuha ng mga gamit ni Kuya sa sasakyan ni Daniel saka sila pinagbuksan ko ng gate at pinto para makapasok sila sa bahay. Ako rin ang nagbukas ng kwarto ni Kuya saka nila inilapag ang kapatid ko sa kama nito. Napa-ngiwi pa ako nang maamoy ko ang alak.

"Kuya!!" tinatapik ko pa rin ang pisngi nito dahil gusto ko muna sana siyang pagpalitin ng damit bago siya tuluyang matulog sa kama niya pero hindi talaga ito nagigising at mukhang lasing talaga ito.

Grabe! Ang aga aga pa para malasing siya ng ganito.

Nasa likod ko pa rin si Ryker at Daniel pero hindi ko sila pinapansin. Kumuha ako ng damit ni Kuya sa Cabinet nito. Akmang bibihisan ko na ang kapatid ko nang may umagaw ng damit nito sa kamay ko.

"Let me. Bumaba na kayo ng boyfriend mo. Mukhang may lakad pa kayo."

Boyfriend?

What? No!!!

I was about to denied his assumption but Ryker held my hand that made Daniel look at us, "Tara na, girlfriend. Male-late na tayo."

Punyeta.

"Seriously, Ryker? Kailangan mo talagang sabihin yun sa harap ni Daniel- I mean, sa harap ng kaibigan ni Kuya?"

"Pag yun nalaman ni Kuya, yari ka! Badtrip pa naman sayo yun kahit wala kang ginagawa sa kanya." may halo ng pananakot kong dagdag pero nag-make face lang siya at mukhang walang pakialam sa mga sinasabi ko.

Nasa salas na kami ngayon at kinakain ang dala niyang almusal. Nagtataka nga ako kung bakit dito pa siya kakain kung pwede namang sa kanila nalang.

Like, wtf!? Isang kanto lang pagitan ng bahay namin sa bahay nila! This is his way to make me pissed. Nakakaasar.

"Bilisan mo kumain, Classmate- I mean, Girlfriend." may halo ng pang-aasar ang tono ng boses niya at kumindat pa sa akin kaya hinagis ko sa mukha niya ang nakuha kong Throw pillow sa tabi ko.

"Gago." I mouthed but he just laughed.

"Bakit ba galit na galit ka diyan? Sino ba yung lalaking yun? Kaibigan lang naman ng Kuya mo yun diba? Or...." he stopped talking. Para bang may bigla siyang naalala.

The President's Tint (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon