KABANATA: 36

941 37 7
                                    

Halos hindi ako nakatulog buong gabi dahil sa pagbabantay at kakaisip sa mga sinabi ni Daniel.

Hindi ko kasi alam kung anong dapat na maramdaman ko. Masaya ang puso ko dahil sa narinig ko mula sa kaniya. He's not a father. Pero hindi ko maisip kung anong isasagot ko sa sinabi niya.

"Let me pursue you again, Mickalla."

Napailing nalang ako sa naisip. I can't think straight. Ayaw kong madaliin dahil baka ako nanaman ang masaktan, he told me his story and now I understand him but I can't answer him right now.

Hindi pa rin bumababa ang lagnat niya kahit nakainom na siya ng gamot. Sabi ko nga sa kaniya na dadalhin ko nalang siya sa Ospital pero hindi siya pumayag.

I also informed Clariz and my other friends na wag na nila akong hintayin sa Unit ni Ethan. Sasamahan sana nila akong batayan si Daniel dahil sinabi kong hindi pa rin bumababa ang lagnat nito pero hindi ako pumayag. Masyado silang maingay para dito pa tumambay.

Sinabihan ko rin si Ate Kate at Kuya Mikael na nandito ako sa unit ni Daniel dahil nilalagnat siya. Akala ko nga pupunta sila rito pero busy daw sila kaya ako nalang daw ang bahala.

6:00 am na, pero wala pa rin akong tulog. Pinagmasdan ko si Daniel na hanggang ngayon ay tulog pa rin sa kama niya at balot na balot pa rin ang buong katawan ng kumot.

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa gilid ng kama niya. Hinawakan ko ang noo niya at medyo bumaba na ang lagnat niya hindi tulad kaninang madaling araw.

Inayos ko ang pagkakalagay ng kumot sa katawan niya bago ako lumabas sa kwarto niya. Dumiretsyo ako sa kusina para sana magluto ng almusal dahil nagugutom na rin ako pero walang kahit anong pwedeng maluto doon.

Napailing nalang ako sa nakita. Buti nalang at may natira pa sa niluto ni Clariz kagabi. Ininit ako ang lugaw at nagpainit ng tubig para makapag-timpla ng kape.

Tulog pa rin si Daniel nang matapos akong magasikaso. Bumalik ako sa kwarto para gisingin siya. He's still asleep. Ayaw ko sana siyang gisingin pero kailangan na niyang kumain para makainom na siya ng gamot.

"Hey, Wake up."

Tinapik ko ng mahina ang pisngi niya kaya naman nagising siya agad. Napangiti siya ng makita ako at wala sa sariling napangiti rin ako sa ginawa niya.

"Good morning." he greeted.

"Morning." I replied. "Bumangon ka na muna diyan. Kumain ka muna ng breakfast para makainom ka na ng gamot. I'll wait for you outside."

Hindi ko na siya hinintay makasagot at lumabas na ako sa kwarto niya. Maya maya lang ay lumabas na rin siya agad at nakapagpalit na rin ng damit.

Umupo siya sa upuang nasa harap ko. Nagsimula na rin siyang kumain. Nakatingin lang ako sa bawat galaw niya. Mukhang okay na siya ngayon compared last night.

"Bakit hindi ka kumakain?" tanong niya nang mapansing hindi ko pa nagagalaw ang pagkain sa harap ko.

I just smiled at him. Nagsimula na rin akong kumain. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa matapos kaming kumain.

"Nakatulog ka ba?"

I shook my head as a response, "Kumusta na ang pakiramdam mo?" balik na tanong ko.

"Okay na ako." sagot niya agad.

"Good," I whispered.

"B-Bakit hindi ka natulog?" bakas sa tono niya na naiilang siyang magtanong sa akin kaya naman napangisi ako.

"Hindi ako inaantok eh." sagot ko, "Here. Drink this."

Inabutan ko siya ng gamot at isang basong tubig. Nagsimula na rin akong linisin ang lamesa nang tumayo siya mula sa kina-uupuan para tulungan ako.

The President's Tint (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon