(A/N: MICKALLA = MI-KAY-LA)
"Sige, babye. Ingat kayo!" paalam ko sa mga kaklase ko saka ko sila pinagsarhan ng pinto.
Kakatapos lang namin gumawa ng research 'kuno' kaya ngayon lang rin sila nakauwi. Paakyat na sana ako sa kwarto ko nang tawagin ako ni Kuya na nasa loob ng kusina.
Nandoon pa rin ang mga kaibigan niya including Sir Daniel, bakit ba andito pa 'tong mga 'to? Wala ba silang sariling bahay?
Magdi-dinner na. Don't tell me dito din sila kakain ng dinner? Dito na nga nag-almusal at nag-lunch si Daniel, pati ba naman dinner? Wow, dito ka na lang kaya tumira?
"Tulungan mo si Daniel magluto ng dinner, Hindi raw makaka-uwi sila Mama at Papa ngayong gabi." utos ni Kuya.
Napanguso ako narinig.
"Hindi ako marunong magluto."
"Maghihiwa ka lang." inis na sabi ni Kuya.
"Hindi ako marunong humawak ng kutsilyo." pag-tanggi ko.
"Edi alalayan mo nalang yung gagawin ni Daniel."
"Kaya pa naman niya yan. Hindi pa naman siya matanda para alalayan sa gagawin niya." reklamo ko.
"Ah. Sige," tumatango-tangong aniya, "Umakyat ka na sa kwarto mo." dagdag pa niya kaya napangiti ako.
Astig ang mga alibi ko, gumana. Kaya ko namang gawin lahat ng pinapagawa niya pero ayaw ko, lalo na't kung si Sir Daniel pa ang kasama. Baka umiral nanaman ang pagiging gwapong bampirang may sira sa ulo ang lalaking yun.
Naiilang na ako sakanya.
Sinulyapan ko muna si Sir Daniel na nasa kusina sa harap ng lutuan at masamang nakatingin sa akin, pilit na ngiti ang ibinigay ko sakanya saka tumalikod para lumabas sa kusina pero agad din akong napabalik nang may sinabi pa si Kuya Mikael.
"Wala kang Extra Allowance this week, Micka." seryosong aniya.
"Sir Daniel, ano pong lulutuin natin?" dali dali akong lumapit kay Sir at tinulungan siya sa ginagawa niya kahit labag sa loob ko.
"Kuya, anong gusto mong ulam?" tanong ko sa kapatid ko pero inirapan niya lang ako saka lumabas sa kusina kasama ang iba pa nilang kaibigan kaya naiwan kami ni Daniel sa kusina.
Bakit pakiramdam ko sinasadya ito ng kapatid ko?
"Hiwain mo 'to." napanguso ako nang i-abot ni Sir sakin ang mga rekados habang may bino-browse siya sa phone niya.
"Ano bang lulutuin mo, Sir?" tamad na tanong ko habang ginagawa ang inutos niya.
Nakakatamad.
"Drop the Formality, Micka."
"Sige, Daniel." sagot ko nalang para hindi na humaba pa ang usapan namin.
Feeling ko, pagod na pagod ako. Pagod dahil sa maingay na boses ni Tatiana at madaldal na bunganga ni Clariz. Kung hindi lang siguro nakakainis ang ugali nitong si Tatiana ay magkakasundo sila ni Clariz.
"Ano bang ginawa niyo kanina at mukhang pagod na pagod ka?" tanong niya.
"Research." maikling sabi ko.
"Are you sleepy?" mahinang sabi niya.
"I'm Mickalla. Mickalla Perez po." pilosopong sagot ko dahilan para tignan niya ako ng masama, " Joke lang Sir, Slight lang." bawi ko agad.
"Umupo ka nalang muna. Ako nalang ang gagawa." itinuro niya ang dining table at sinenyasan niya akong maupo doon.
Napausog ako nang pumunta siya sa harap at siya mismo ang gumawa ng ginagawa ko kanina. Nakatalikod siya sa akin habang ako naman ay nakatingin lang sa ginagawa niya.

BINABASA MO ANG
The President's Tint (UNEDITED)
Fiksi RemajaMickalla Perez, the Student President in their Class. He is Daniel Gilles, their fresh graduate; class adviser who's always asking what shade of tint she's wearing everytime he sees her. He's so weird, is he gay? (Former title: Miss President, I l...