KABANATA: 39

838 30 3
                                    

Ngayon alam ko na kung bakit sa Bayan kami pumunta. May malapit na perya kasi dito sa Bayan na kabubukas lang. Maraming tao ang pumupunta rito. May mga rides kasi na pwedeng sakyan, may mga games din with prizes.

6:30 pm palang pero sobrang dilim na. Sumakay kami ni Daniel sa mga rides. Kakatapos lang namin sumakay sa Octopus kung saan halos masuka siya dahil sa hilo. Sumakay din kami sa Vikings at sa iba pa. Tawang tawa naman ako sa kaniya dahil mukhang ayaw na niya at napipilitan nalang siya dahil gusto niya akong samahan.

"Mamaya na ulit. Hindi ka ba napapagod kakasigaw sa mga rides na yan?" he asked.

"Ikaw lang naman ang malakas sumigaw sa ating dalawa." pangaasar ko.

"Tama na. Ayaw ko na sumakay." pagsuko niya kaya tinawanan ko siya.

"Dito mo ako dinala pero mukhang hindi ka naman nag-eenjoy." I pouted.

"H-Hindi sa ganoon. Nag-eenjoy ako." bawi niya, "Tara. Sakay ulit tayo sa Vikings."

Nauna siyang maglakad sa akin at pumila sa may Vikings. Natatawang lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.

"Actually, napapagod na rin akong sumakay sa rides, Doon tayo." I said.

Hinila ko siya papunta sa may Color game. Maraming tao ang nakapalibot doon pero nakipagsisikan kaming dalawa.

"Let's try this." naglabas ako ng 10 peso coin sa bulsa ko at ipinakita ito kay Daniel, "What color do you want?" I asked him.

"Red." he answered.

Tumango ako at inilapag sa Color red ang 10 pesos na hawak ko at kung sinu-swerte ka nga naman ay nanalo ako. Ang 10 pesos ko ay naging 20 pesos!!!

Uulit pa sana ako pero pinigilan ako ni Daniel. Siya naman ang humila sa akin papunta sa may pellet gun kung saan yun ang gagamitin mo para mapatumba ang plastic bottles na nasa harap at makakakuha ng prize kapag nagawa mo yun.

"Let me try this." he said.

Tumango lang ako at pinanood siyang patumbahin ang mga plastic bottles pero nakakalimang set na kami ay wala pa rin siyang napapatumba. Hinila ko siya palayo doon dahil halata namang may daya ang laro na yun.

"Sakay nalang tayo sa Ferries wheel?" I suggested.

Wala siyang nagawa kaya nakasakay na kaming dalawa ngayon sa loob ng Cabin ng ferries wheel. Nasa tuktok na kami kaya kitang kita ang mga ilaw na nasa ibaba.

"Ang ganda." I whispered.

"Yes, Love. Ang ganda nga."

Napatingin ako sa katabi ko na nakatingin lang sa akin. He's smiling widely while staring at me.

"S-Stop calling at me that." I stuttered.

"Why? I want to call you love, hmm?"

"Well, don't."

"Why not?" he asked. "Well, I'm still courting you, pero hayaan mo akong tawagin ka sa paraan na gusto ko. Kailan mo ba ako balak sagutin? Ito na ang perfect time habang nakasakay tayo sa ferries wheel."

"Ulol." I raised my middle finger but he just laughed and pats my head.

Pagbaba namin sa Ferries wheel ay inaya ko siyang kumain sa isang fast food chain na malapit sa may Perya. Kumain kami ng dinner doon dahil nagke-crave ako sa Fried Chicken.

"Micka." tinawag niya ang pangalan ko kaya napatingin ako sa kaniya habang nasa loob pa ng bunganga ko ang hawak kong kutsara.

"Nice shot." he complimented.

The President's Tint (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon