KABANATA: 04

1.3K 54 5
                                    

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang may tumusok sa puso ko nang paulit-ulit dahil sa nakita ko.

Anong ginagawa nila?

Umiling ako, siguro kaya ko nararamdaman 'to dahil masama lang ang pakiramdam ko. Tama! Wala lang 'to.

Mukhang hindi nila ako napansin dahil tutok na tutok sila sa isa't isa kaya naman bumalik nalang ako sa Room namin.

Pagpasok ko ay lahat sila naka-abang sa akin, siguro narinig na nila sa ibang class ang party na gaganapin. Hindi talaga nahuhuli sa balita 'tong mga 'to.

"President, chika na!" malakas na sabi ni Clariz kaya nakuha niya lahat ng atensyon sa loob ng klase namin.

Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya saka pumunta sa harapan para ipaliwanag ang napag-usapan kanina sa meeting. Hindi na namin aantayin ang Adviser namin dahil mukhang busy siya, I mean Sila.

Busy sila sa ginagawa nila.

Sinikap kong ayusin ang pagsasalita ko pero parang mas lumala pa ang pagka-paos ko kumpara kanina. Wala na ngang lumalabas na boses mula sa akin kaya naman itinigil ko ang pagsasalita.

Napansin yung ng mga ka-klase ko kaya tumahimik lang sila. Buti naman, dahil hindi ko sila kayang sawayin ngayon.

"Oh." inabutan ako ni Tatiana ng Whiteboard Marker para isulat ko nalang ang kailangan. I just nodded at her, I can't even say 'Thanks' because of this situation.

Sinenyasan kong lumapit si Clariz kaya naman siya na ang hinayaan kong magpaliwanag habang nasa tabi niya ako at bumubulong lang sa kanya.

Grabe! Napaka-sakit ng lalamunan ko!!!

"Hoy, uminom ka na ba ng gamot? Nilalagnat ka ha. Ano bang nangyari sayo?" sunod-sunod na tanong ni Clariz nang maka-upo kami sa pwesto namin.

Kakatapos lang namin mag-paliwanag at bumalik na ulit sa kanya kanya naming gawain. Ang ingay nanaman pero okay lang, wala pa namang klase.

Napatingin ako sa oras, 10 minutes nang late si Sir Daniel. Napangisi ako. Grabe, hanggang ngayon ay 'di pa rin natatapos ang ginagawa nila?

"Hoy, anong ngini-ngisi ngisi mo diyan? Gaga ka, nakakatakot ka!" natawa ako sa sinabi ni Clariz.

"O.A." I mouthed.

"Ang tagal ni Sir ha. Hindi ka ba dumaan sa Opisina niya?" mabilis na umiling ako sa naging tanong niya.

Busy ang Adviser mong makipag-halikan sa bago nating Teacher. Hayaan mo sila, Let them enjoy each others saliva. Ew!

Yumuko ako sa Desk ko, mukhang matagal pa naman si Sir Daniel kaya matutulog nalang muna ako sandali. Baka mamaya mawala na 'tong nararamdaman ko.

"Hey, gising na." dahan dahan kong ini-angat ang ulo ko at iginala ang paningin ko sa loob ng Classroom.

Kaming dalawa nalang ni Clariz ang nasa loob at wala na ang iba naming ka-klase.

Hala!

"Uwian na girl." aniya kaya napakunot ang noo ko, "Tagal mo ring naka-tulog. Hindi ba sumasakit yang leeg mo? Kumusta pakiramdam mo? Okay ka na ba?" sunod sunod na tanong niya.

"O-Okay lang. S-Si Sir?" tanong ko.

May boses na ako pero masakit pa rin ang lalamunan ko kaya naman kailangan ko pa ring i-limit ang pagsasalita ko.

"Hindi siya nag-klase." sagot niya dahilan para mas mapakunot ang noo ko. "Hintayin muna natin si Ethan, bumili ng gamot at tubig. Uminom ka muna bago ka namin ihatid sa inyo. Namumutla ka, Mickalla."

The President's Tint (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon