KABANATA: 02

1.6K 59 24
                                    

"He's with me. Tara tol!"

Biglang sumulpot si Kuya Mikael mula sa likod namin. Inakbayan niya si Sir Daniel saka hinila papasok sa loob ng dining at iniwan akong naka-tulala.

Ampucha naman oh.

And then it hit me. I know that my brother and my Adviser are friends for almost 5 years. Madalas ko na rin nakikita noon si Sir Daniel dito sa bahay kapag may lakad sila ni Kuya pero naging madalang noong graduating year nila dahil halos busy silang dalawa.

Napanguso ako nang mapagtantong walang lusot ang pagdadahilan kong sumama ang pakiramdam ko kahapon kaya di ako naka-punta sa Opisina niya.

Nako naman oh!!

Pumasok na rin ako sa dining area kung nasaan ang pamilya ko at ang Adviser ko.

"Ang aga-aga rinig na rinig ko yang pagmumura mo Mickalla Perez. Umayos ka." bungad ni Papa nang umupo ako sa pwesto ko kaharap si Sir Daniel.

Hindi nalang ako kumibo at nagsimula nang kumain ng tahimik.

"Daniel, balita ko student mo itong si Micka? How is she in your class?" halos masamid ako dahil sa naging tanong ni Papa.

Lihim akong tumingin kay Sir Daniel. May kabang baka isumbong niyang hindi ako naka-sagot sa recitation kahapon at tinakasan lang siya. Alam kong nararamdaman niya ang sulyap ko pero na kay papa lang ang buong atensyon niya.

"She's our Class President, Tito."

Tito mo mukha mo!!

"Oh, bakit hindi mo nai-kwento sa akin yan Micka?" tanong ni Mama pero nagkibit-balikat lang ako at tinuloy ang pagkain ko.

Kahit ako hindi ko rin alam kung bakit ako ang Class President. Basta In-assigned lang ako ng mga kaklase ko at wala naman akong choice kung 'di tanggapin yun, na agad ko ring pinagsisihan.

"She's so Independent, hard-working and a Smart Student, Tita." lihim na napairap ako sa sinabi ng bisita sa hapag.

Ang plastik!!!

"Independent? Sana all." sarkastikong sabi ni Kuya saka tumingin kay Daniel.

Para bang may pinag-uusapan sila gamit ang mga mata nila dahil sabay pa silang natawa kahit wala naman akong makitang dahilan para tumawa sila.

Mag-kaibigan nga sila, Parehas silang baliw!

"Ako na maghuhugas ma." prisinta ko nang matapos kumain. Alam ko kasing may lakad pa sila ni Papa saka wala naman akong gagawin ngayon araw kaya magbibida-bida nalang muna ako. Baka sakaling madagdagan ang Allowance ko.

"Okay, take care. Aalis na kami ng papa mo. Bye anak." aniya saka hinalikan ang tuktok ng ulo ko bago lumabas ng bahay.

Habang inaayos ko ang lamesa ay naramdaman kong may pumasok sa kusina pero hindi ko nalang ito pinansin. Tinuon ko ang buong atensyon ko sa ginagawa ko.

"Hindi ka naka-tint."

What the? Yun nanaman ang napansin niya? Ang tint ko nanaman ampucha!

Napatingin ako sa kanya. He is staring at me while leaning on the wall, right hand on his pocket and the other one is supporting his body.

Shemay! Di ko talaga maitatangi girl, napaka-gwapo!! Gwapong may sira ang ulo.

Nagpanggap akong hindi siya narinig at tinalikuran siya para magsimula nang maghugas ng pinggan. Akala ko ay umalis na siya dahil hindi na siya muling nagsalita.

"Micka..." tumayo ang balahibo ko sa batok nang maramdaman ko ang pag-hinga niya malapit sakin.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Punyeta, ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari sakin?

The President's Tint (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon