KABANATA: 17

939 34 1
                                    

"You will start at exactly 8:00 AM." inabot niya sa first row ang mga test questionaires, "So, Finished or not, You need to submit your test papers at exact 11:00 AM then you will have your 2 hours lunch break."

Nakatitig lang ako kay Sir Daniel habang nagsasalita siya sa harap. Seryoso siya sa pagpapaliwanag sa amin kung ano ang mga dapat gawin. Nag-tama pa nga ang mga tingin namin pero siya ang unang umiwas kaya napa-ngisi ako.

Finals na namin. May tatlong subjects kaming sasagutan ngayong umaga at tatlo uli mamayang hapon.

Pagkakuha ko ng questionnaires ay nag simula ako agad sa pagsagot. Naging maayos naman ang pagsagot ko dahil nakapag-review ako ng maayos kagabi at kaninang madaling araw.

"Last 10 minutes." Sir Daniel announced.

I heard some of my classmates rants and groans due to frustration. I look around and I saw Clang sleeping.

Napailing nalang ako. Mukhang tapos na siya magsagot kaya nakuha na niyang matulog. Pero kanina ko pa kasi napapansin na parang may kakaiba sa kanya. Her eyes are swollen. Tinanong ko siya kung may problema ba pero sabi niya ay napuyat lang siya at kulang lang sa tulog.

Gusto ko sanang maniwala pero hindi niya ako maloloko. She's my bestfriend. I know something's bothering her, something's wrong.

Hindi rin masyadong maingay o nagbabangayan sina John at Clariz ngayong araw. Well, Applicable naman na tahimik dapat dahil Finals namin ngayon pero parang may kakaiba talaga.

Something I can't explain.

I hope they are okay...

"Take your lunch. Go back here before 1:00 PM. 2 hours ang lunch niyo. So, sana naman walang male-late sainyo. Review for the remaining subjects. See you later."

Naglakad na palabas si Sir Daniel at nagsimula na rin na magsilabasan ang mga kaklase ko to take their lunch.

Nilabas ko ang phone ko saka ako nag-compose ng message para kay Daniel.

To: Daniel
Eat your lunch too. Dinner tayo later?

Babasahin ko pa sana ang reply ni Daniel nang biglang hilahin ni Clariz ang kamay ko palabas sa Classroom. Napalingon pa ako sa likod ko dahil hindi nakasunod sa amin sila John at Ethan.

Sabi na eh, may mali talaga.

Kakatapos lang namin kumain ni Clariz. Pinilit ako ng bestfriend ko na humiwalay sa pwesto nila Ethan at John kahit doon naman talaga dapat ang pwesto namin. Ayaw niya raw doon dahil mainit. Hindi na lang ako nag-tanong dahil mukhang wala naman siyang balak mag-kwento.

"Review tayo." aya ko kay Clariz saka nagsimulang ayusin ang pinag-kainan namin.

"Tara."

Akmang mag-lalakad na sana kami pabalik sa classroom pero humarang sa harap namin si John kasama si Ethan.

"Let's talk."

Napatingin ako sa kaibigan ko pero wala siyang kahit anong reaksyon. Hinawakan niya ang kamay ko at saka ako hinila para makalayo kami kila John.

"Clariz... Please."

Hinawakan ni John sa braso si Clariz kaya napahinto kami sa paglalakad. Napa-tingin ako kay Ethan pero nagkibit balikat lang siya. Mukhang wala rin siyang idea kung ano ang nangyayari.

"Micka. Kakausapin ko muna si Clariz, okay lang ba?"

Tinignan ko uli ang kaibigan ko pero naka-tingin lang siya sa malayo. "Okay." tanging nasabi ko.

The President's Tint (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon