KABANATA: 19

887 36 10
                                    

Kinabukasan, nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Tirik na ang araw. Late nanaman akong nagising. Buti wala si Kuya para guluhin ang mahimbing kong tulog.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga saka ko lang naalalang wala nga pala ako sa bahay namin, nasa unit ako ni Daniel.

Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto niya. Ang daming papel sa ibabaw ng study table niya pero naka-ayos ito. Pinag-halong kulay puti at itim ang kukay ng kwarto niya. Napaka-linis tignan, ang sarap sa mata.

Walang Daniel sa loob ng kwarto kaya naman napag-pasyahan ko munang mag-ayos ng sarili bago ako lumabas.

Paglabas ko mula sa kwarto niya ay wala pa rin akong Daniel na naabutan. Sobrang tahimik sa loob ng unit niya. Napatingin ako sa oras, It's already 11:30 am. Asan siya?

Naglakad ako papasok sa kusina dahil may naamoy akong pagkain dahilan para makaramdam ako ng gutom.

'Eat before you go home.'

May isang kulay yellow na sticky note na nakadikit sa lamesa. Simple lang ang nakasulat pero hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil napangiti ako.

He prepared a breakfast for me?

Itinext ko siya para tanungin kung nasaan siya pero hindi siya nag-reply kaya naman sinimulan ko nang kumain kahit wala pa siya. Mukhang pang-isang tao lang din naman ang naka-hain. Kumain na siguro siya bago umalis.

Habang kumakain, hindi ko mapigilang mahiya sa mga pinag-gagawa ko kagabi. Naalala ko rin ang huling sinabi ni Daniel bago ako tuluyang makatulog.

"Fuck, Micka. You're so good at making me Jealous."

Nagseselos siya.

Nakangiti lang ako hanggang sa maubos ko ang pagkain na nakahain sa mesa. Sinubukan kong tawagan ang phone number ni Daniel pero hindi niya parin ito sinasagot.

Balak ko pa sana siyang hintayin pero magdidilim na at hindi pa rin siya umuuwi kaya naman naisipan kong umuwi na dahil baka magalit si Kuya. Baka nandoon na rin sa bahay sila Mama at Papa, yari ako.

Pag-uwi ko sa bahay ay kumain lang kami ng Dinner at pinaakyat na ako sa kwarto para makapagpahinga. Akala ko pa naman ay magtatanong sila kung saan ako galing pero wala akong narinig na kahit ano mula sa kanila kaya naman dumiretsyo na ako sa kwarto ko para makaligo.

Sinubukan ko muling tawagan ang Cellphone number ni Daniel pero hindi ko na siya ma-contact. Hanggang sa hindi kami nakapag-usap ng isang buong araw.

Kinabukasan, maaga akong gumising dahil gusto ko sana igala si Danny. Minsan ko lang siya mailabas sa bahay dahil medyo busy ako noong finals.

"Danny, come here."

Lumapit sa akin si Danny at mapapansin mong sobrang excited siya dahil sa buntot niyang malikot. Matapos kong isuot kay Danny ang tali niya ay sabay kaming naglakad palabas ng bahay. Sinugurado kong naka-lock muna ang gate dahil walang matitira sa loob.

Wala si Mama at Papa dahil work day nila ngayon, samantalang si Kuya naman ay hindi ko alam kung nasaan. Ang alam ko wala silang pasok ngayon pero hindi ko na siya tinanong.

The President's Tint (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon