KABANATA: 14

1K 49 9
                                    

From: Daniel
I am busy. Don't call me, I will.

Napairap nalang ako sa nabasa kong message mula sa kanya. Ilang araw na ba siyang busy? Ilang araw na ba kaming hindi nagkikita? Today is December 24. The last time I saw him was three days ago.

I miss him so much.

"Micka, halika nga rito." tawag ni Mama sa akin. Wala silang pasok ni papa ngayon. Obviously, It's Christmas.

Dahil wala naman akong pagkaka-abalahan ay dumiretsyo ako sa kusina para tulungan si Mama sa pag-luluto.

Maraming iluluto si Mama ngayon dahil dito rin magse-celebrate ang mga kapatid ni Papa pati ang mga pinsan ko at si Lolo ngayong Christmas eve for Noche Buena.

Sounds exciting pero hindi ko magawang ma-excite. Gusto ko nang makita si Daniel, kaso nahihiya na akong i-text siya ulit dahil baka makulitan siya sa akin.

"Wash this."

Panay lang ang utos ni Mama sa akin sa akin. Abot ng sandok, abot ng kutsara, hugas dito, hugas doon. Si Papa at Kuya naman ay naglalaro ng basket ball sa labas dahil tapos na nila ang gawain nila at hinihintay nalang nila ang mga bisita.

Sana all.

"Ma? Anong gagawin mo pag nalaman mong may boyfriend ako?" biglang tanong ko na ikina-tigil niya.

Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin nasasabihing 'kami' na ni Daniel. Hindi ko kasi ma-imagine kung anong magiging reaksyon nila. Lalo na si Papa. Natatakot ako sa sasabihin nila.

Nakatingin lang ako kay Mama habang hinihintay ang sasabihin niya. Magagalit kaya siya?

"Yeah, right." Huminto siya saglit at tinignan ako ng diretsyo sa mga mata ko na siyang nagpakaba sa akin.

"Wala ka bang balak ipakilala ng maayos sa amin ang boyfriend mo? Kahit kilala namin si Daniel, dapat mo pa rin siyang ipakilala ng maayos sa amin bilang nobyo mo, Mickalla Perez."

What?

Natigil siya sa pag-sasalita nang mapansin ang gulat kong reaksyon, "Bakit parang gulat na gulat ka naman?"

"Paano mo nalaman Mama?" kabadong tanong ko.

"Alam mo, Anak? Manang mana ka sa tatay mo." natatawang sagot ni Mama na para bang may naaalala. "Parehas kayong manhid." dagdag pa nito.

Manhid?

"Simula pa lang nung una alam nang lahat na may gusto sayo si Daniel. Nagpa-alam pa nga siya sa amin noon na manliligaw siya sayo pero ang Papa mo ay hindi pumayag." dagdag niya na mas ikinalaki ng mata ko.

Hindi ko inaasahan na mayroon palang ganitong kwento na hindi ko alam. Totoo ba 'tong sinasabi ni Mama?

"Po?" hindi ko alam ang sasabihin ko.

"College student palang sila Daniel at ang Kuya mo madalas na sila dito, diba?" tumango lang ako at hinintay na ipagpatuloy niya ang sinasabi.

"Umamin sa amin si Daniel na type ka niya." simple lang ang sinabi ni Mama pero ang lakas na ng impact non sa akin. "Namumula ka, Anak." natatawang dagdag niya nang mapansin ang pamumula ko.

"Kwentuhan mo pa ako, Ma." nahihiyang sabi ko.

Parang ang dami kasing alam ni Mama tungkol kay Daniel na hindi ko alam. Naku-curious tuloy ako ng sobra.

"Hindi pumayag ang Papa mo dahil kaka-18 mo palang noon, 20 years old naman siya. Siguro kung hindi ka inabutan nang K-12 curriculum, 2nd year college ka na ngayon, diba?" tumango lang ako at hinihintay lang ang susunod niyang sasabihin.

The President's Tint (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon