KABANATA: 15

996 50 6
                                    

"Hoy, Daniel Gilles."

Napalingon kami sa likod nang may tumawag sa buong pangalan ni Daniel. Nandoon si Kuya sa harap ng pinto habang nakatingin sa amin ng masama.

Anong problema nito?

"Bakit nandito ka? Wala ka bang pamilya ha?" sarkastikong tanong niya saka naglakad palapit sa amin.

"Gago." natatawang saad ni Daniel, "Paskong pasko, mukhang badtrip ka ata?" pang-aasar nito.

"Ikaw ba naman ang makita ko ng ganitong oras, Sinong hindi maba-badtrip?"

"Well, Ako ang nasa harap mo. Swerte mo nga eh, Ako lang naman ito." may pagmamalaking ani Daniel na ikinangisi ko.

Parehas lang naman silang magkaibigan, parehas na mataas ang tingin nila sa sarili nila.

"Bakit nandito ka?" tanong ni Kuya.

Ayan din ang kanina ko pang tinatanong sa kanya pero tanging, 'I love you' lang ang sinasagot niya.

Kanina pa tuloy ako namumula dahil sa kanya.

"I just want to see the woman I love."

Napakagat ako sa labi ko at pilit na itinatago ang kilig na nararamdam. Naknampucha naman, Daniel! Ang landi landi mo naman!

Nawala ang paningin sa akin ni Daniel dahil binatukan siya ng malakas ni Kuya dahilan para matawa ako.

"Gago." panay ang ilag ni Daniel kaya hindi maka-bwelo si Kuya, "The woman you love? Alam na ba niyang---" napahinto siya sa pagsasalita na para bang may napagtanto siya sa isip niya.

Anong nasa isip nito?

"Alam mo na?" nanlalaki ang mga mata ni Kuya habang nakaturo pa sa akin.

"Ang alin?"

"Na type k---"

"We're together now, pre. Hindi ko ba nasabi sayo? Sorry ha, Medyo busy ako para ipaalam sayo. Don't worry, Alam naman ng parents mo. Sayo lang talaga ako walang pakialam." dire-diretsyong ani Daniel na ikinagulat ko.

Hala, gago din talaga ang isang 'to. Halatang inaasar niya si Kuya sa tono ng boses niya.

Hindi ko pa nga pala officially nasasabi kay Kuya ang tungkol sa amin ni Daniel. Wala naman nang magiging problema sa parents ko dahil alam na nila pero ipapakilala ko pa rin si Daniel sa kanila ng maayos.

Napa-lunok ako dahil grabe kung makatingin ang kapatid ko. Para bang naka-gawa ako ng malaking kasalanan sa kanya. Well, I understand him. Malamang napipikon na yan sa mga nangyayari. Mukhang hindi pa naman sila okay ni Ate Kate ngayon.

"Seryoso, kayo na?" seryosong tanong niya kay Daniel na nagpaseryoso rin dito.

Para silang naguusap gamit ang mga mata nila. Napatitig ako sa kapatid ko.

"Yes." pormal na sagot ni Daniel kay Kuya.

Napa-kagat ako sa ibabang labi ko. Hindi ko alam kung bakit pinaghalong kaba at saya ang nararamdaman ko ngayon. 

"Yes, pre. Micka and I are in a Relationship. I love her, I love your Sister." he proudly said that makes my heart fluttered.

Shit. Pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay napunta na sa pisngi ko sa sobrang init nito. Ang sarap pakinggan mula sa kanya ang mga salitang yun. Hindi ko na mapigilang ngumiti habang nakatingin sa kanila.

"Well, congrats!" nakangiting ani Kuya saka bumaling sa akin, "Go inside, malamig dito sa labas." biglang utos niya.

Gusto ko pa sana mag stay sa labas kasama sila pero mas pinili ko nalang na sundin ang sinabi ni Kuya. Tinignan ko muna si Daniel at tinanguan lang ako nito bago ko sila tinalikuran.

The President's Tint (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon