KABANATA: 23

819 32 4
                                    

"Fuck! Tangina talaga!"

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko nang marinig ko ang sunod sunod na pagmumura ni Kuya Mikael. Alam kong siya yun dahil kilala ko ang boses niya.

"K-Kuya..."

Natigilan siya at agad na lumapit sa akin. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tinanggap ang inaabot niyang tubig.

Hinawakan niya ang kamay ko bago umupo sa tabi ko. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at takot habang nakatingin sa akin.

"Micka." tawag niya sa pangalan ko.

Hindi ko maiwasang umiyak nang maalala ko kung bakit ako nandito ngayon sa Ospital. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Natatakot pa rin ako dahil pakiramdam ko pwede ulit mangyari sa akin yun.

Napahawak ako sa leeg ko kung saan tinutok ng lalaking yun ang hawak niyang patalim. Napangiwi ako agad dahil nakaramdam ako ng sakit.

"Ouch."

Kinuha ni Kuya ang magkabilang kamay ko para hindi ko mahawakan ang sugat ko saka siya humarap sa akin.

"Micka naman, bakit naman kasi lumabas ka pa kagabi? Bakit nagsinungaling ka? Sabi mo nagpaalam ka kila Mama? Sabi mo kila Clariz ka pupunta? Pinag-aalala mo naman si Kuya eh." mahinahong sabi niya.

"Sorry Kuya. Sorry kung 'di ko sinabi kung saan talaga ako pupunta. Gusto ko lang naman na ma---"

Hindi ako pinatapos ni Kuya at iniwas niya lang ang paningin niya sa akin. Mukhang ayaw niyang malaman kung bakit kay Daniel ako pumunta.

"Pano mo nga pala nalamang nandito ako?" tanging nasabi ko dahilan para ibalik niya sa akin ang paningin niya.

"Kaibigan ko yung isang pulis na tumulong sayo. Namukhaan ka niya kaya naman tinawagan niya ako at tinanong. Sinabi niyang dinala ka sa Ospital kaya pumunta agad ako." pagpapaliwanag niya.

"Tangina talaga ng mga lalaking yun! Nahuli na sila at nasa presinto na. Kakausapin ka rin mamaya ng mga pulis para kunin ang statement mo." galit na dagdag pa nito.

Biglang gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko ang sinabi ni Kuya. Atleast nahuli nila ang mga lalaking iyun kagabi. Mapapanatag na ang loob kong hindi na ulit nila yun magagawa sa ibang tao.

Nginitian ko si Kuya kaya naman napakunot ang noo niya, "Okay ka lang ba? May nararamdaman ka bang kakaiba? May masakit pa ba sayo? Anong gusto mo?"

Sunod sunod ang mga naging tanong niya pero umiling lang ako. Ayaw ko na siyang mag-alala pa.

Akmang magsasalita pa siya at may gustong sabihin pero pinigilan niya ang sarili niya at bumuntong hininga na lamang habang pilit na ngumiti sa akin.

"Pagtapos kang makausap ng mga pulis ay uuwi na rin tayo agad. Magpahinga ka muna at gigisingin nalang kita pag nandito na sila. Lilinisin pa ng mga nurse yang sugat mo." tumango nalang ako at hindi na nagsalita.

Ramdam ko ang pagod sa buong katawan ko. Kumikirot ang sugat ko sa may bandang leeg at kumukulo ang sikmura ko sa gutom. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling kumain.

"Get in." ani Kuya.

Binuksan niya ang pinto ng sasakyan niya at inalalayan ako para makaupo sa shotgun seat. Mabilis naman siyang umikot para makaupo sa Driver's seat at pinaandar ang sasakyan paalis ng Ospital.

Kakatapos lang akong kausapin ng mga Pulis at nalaman kong dalawang lalaki lang ang nahuli nila. Nakatakbo raw ang isa dala dala ang mga gamit ko. Pinipilit daw nilang pagsalitain ang dalawang nahuli nila para mahuli na rin ang lalaking nakatakas.

The President's Tint (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon