Pagod na pagod na ibinagsak ni Julie ang kanyang pagod na katawan. Alas tres na ng madaling araw. Niyakap niya ang kanyang Spongebob na unan at pumikit. Kauuwi lang niya sa condo niya. Normal na uwi niya iyon. Isa kasi siyang artista. May tinapos silang eksena para sa pinakabagong pelikula niya.
Kinse anyos siya nang pumasok siya sa showbiz. Sa isang teen-oriented show ang unang nilabasan niya. Siya ang kapatis ng bida. Maliit na role lamang iyon ngunit sapat na para sa kanya.
Pumasok siya sa showbiz noon upang makatulong siya sa kanyang pamilya. Baon sila sa utang noon at hindi niya maatim na umupo na lang sa isang tabi at panooring bumabagsak ang kanyang pamilya. Masuwerteng nakabanggaan niya si Tita Angie -ang manager niya ngayon- sa mall noon. Inalok siya nitong maging talent nito. Maganda raw siya. Pumayag kaagad siya dahil nga nangangaolangan siya noon.
She is twenty -five years old now. Minsan ay hindi mapaniwalaang tumagal siya ng isang dekada sa showbiz. Maayos na ang pamilya niya ngayon. Unti unti nilang nabayran ang kanilang mga utang. Masagana nang naninirahan ang kanyang pamilya sa Cagayan. Siya ay matagal na ting naninirahang mag-isa sa lungsod.
Isa siya sa mga sikat at itinuturing na isa sa mga pinakamagaling na aktress sa Pilipinas. Kahit saan siya magpunta ay may nakakakilala kay Julie Anne San Jose. Ilang parangal na rin ang natanggap niya para sa husay niya sa pag-arte. Advertisers were willing to pay huge amount just to have her as an endorser. Tumatabo kasi lagi sa ratings ang mga shows niya. Marami ang labis na naiinggit sa kanya.
Ang hindi alam ng lahat, hindi naging madali ang daan niya patungo sa tagumpay. Ang lahat ng mayroon siya ngayon ay pinaghirapan niya. Tatlong taon muna ang lumipas bago talaga kuminang ang bituin niya. Puro teenybooper roles ang ginampanan niya sa loob ng tatlong taon; puro pa-cute at pa-tweetums.
Hindi siya ganoon ka-in demand. Hindi siya nawawalan ng proyektoi ngunit puro maliliit lamang ang mga roles na ginagampanan niya.
Isang baguhang direktor noon ang nabigyan ng break ng kanilang istasyon. Kinuha siya nito bilang bida sa pre-primetime show. Kuwento iyon ng isang teenager at pakikipagsapalran nito sa buhay. Doon siya napansin ng lahat. The show was an unexpected top rater.
Nagkasunod -sunod na ang proyekto niya mula noon. Hindi na siya nababakante. Pati pagkanta ay pinasok na rin niya, tutal ay may talento rin naman daw siya sa pagkanta.
Bumuntong-hininga siya bago niya iminulat ang kanyang mga mata. Pagod siya ngunit hindi siya makatulog. Bumangon siya at nagtungo sa kusina. Nagsalin siya sa isang baso ng gatas, pagkatpos ay nagtungo siya sa sala at bunuksan ang TV.
"Im bored" bulong niya sa kanyang sarili habang nakaupo sa sofa at nanonood ng TV. "I want something new in my life. I want to try something different. Something fun and exciting."
Minsan ay nagsasawa na rin siya sa takbo ng buhay niya. Paulit-ulit na lang kasi iyon. Minsan din ay pakiramdam niya nakakulong siya. Lahat ng kilos niya ay binabantayan ng mga tao. Kahit mga maliliit na bagay ay napapansin ng mga ito. Kung tataba siya, sasabahing buntis siya. Kung papayat siya, sasabihing nagpalaglag siya. Kung papangit siya ng bahagya, sasabihing gumagamit siya ng bawal na gamot.
Hindi na teenybopper roles ang mga ginagampanan niya ngunit nakakulong pa rin siya sa kanyang sweet girl image. Hindi kasi siya mukhang beinte-singko anyos. Mas mukha siyang disiotso. She was gifted with a baby face. Tumatanda lang ang hitsura niya kapag may makeup siya. Maliit at mabilog ang maamong mukha niya at halos abot hanggang sa baywang niya ang buhok niya sa ipinakulot niya ang dulo.
Elmo Magalona told her once that she possessed the sweetest smile in the whole universe. Napangiti siya nang maalala niya si Elmo Magalona. Ito ang best friend niya. Artista rin ito katulad niya. Ang buong pangalan nito ay "Elmo Moses Magalona" When he entered showbiz, he dropped his second name. To his family and close friends he was "Moe."
Si Elmo ang kanyang unang ka-loveteam. Nagkasama sila sa pinakaunang show nila. Ginampanan nito ang role na playboy best friend ng bida. Ang character niya ay na-inlove ng husto sa character nito. Kinagiliwan noon ang tambalan nilang dalawa. Marami rin ang na-frustrate sa kinahantungan ng kuwento ng mga characters nila, wala kasing conclusion. Hindi sila nagkatuluyan. Ang character niya ai kinailangang lumayo. Marami ang nag-request na dugtungan ang kwento ngunit hindi nangyari. Elmo Magalona became so busy with work.
Hindi sila magkatulad ng pinagdaanan ni Elmo. He had always been famous mula noong pumasok ito sa showbiz hanggang sa ngayon. Nauna ito sa kanya sa pagpasok sa showbiz. He came from s boy band-the hottest boy band in the Philippines years ago, Lollipop Boys. Lollipop Boys dahil unang lumabas ang mga ito sa isang commercial ng lollipop. Sumasaya at kumakanta ang mga ito sa commercial na iyon.
The five boys were so handsome. All of them were fifteen that time. Tita Angie immediately took them. Hindi nagtagal ay nagkaroon na ng album ang mga ito. Ang sumunod ay tinitilian na ang mga ito ng mga fans. Hindi lang recording sumikat ang mga ito. They also dominated film, television, and prints. Show ng mga ito ang unang nilabasan niya. Ang pinaka-leader ng mga ito ang bida.
They were at their peak when they suddenly disbanded. Sa iba-ibang larangan na napunta ang mga ito. Elmo Magalona stayed in showbiz. He was the most sought-after leading man. He was also the most versatile actor in the Philippines. Hindi ito nakakulong sa iisang imahe. Hindi ito takot na sumubok ng bago. Hindi ito laging bida sa mga palabas. Minsan ay nagiging kontrabida rin ito. He was very effective.
Dinampot niya ang kanyang cellphone. She pouted pretily before she took a picture of herself. Alam niyang wala siyang kasing-cute kaya ipinadala niya iyon kay Elmo.
BINABASA MO ANG
Getting Real
FanfictionNatuklasan ni Julie Anne na mahirap pala talagang magpakatotoo sa showbiz nang matagpuan niyang umiibig siya kay Elmo Magalona ang kanyang matalik na kaibigan at dating ka-love team. it is from the novel of BELLE FELIZ of PHR with the same title. a...