1

16.5K 246 25
                                    

Parang gusto ng maiyak ni Khamis nang makalabas siya sa opisina ng pinagta-trabahuhang News TV station. Paano, ni-reject na naman ng kanilang Executive Editor ang ni-conceptualize niyang subject  para sa kanyang documentary report. Parang naririnig pa niya ang sigaw ni Ms. Edith kani-kanina lang,

"Ang boring, Khamis! Ipaubaya mo na ang current events sa iba. You should find something interesting. Yung mapupukaw ang mga audience."

Napasimangot ang dalaga. Hay naku! Naka-tatlong reject na yata siya sa loob ng isang buwan. She's now feeling hopeless and desperate. Akala niya madali lang maging isang journalist. But now that she's in the industry, nalaman niyang it isn't easy as she thought it would be.

Muli niyang tinanaw ang malaking building. Nasa labas nun ang tatlong malalaking billboard kung saan nakapaskil ang mukha ng tatlo sa pinaka-magagaling na broadcaster ng kanilang istasyon.

"Kelan kaya na mukha ko naman ang andiyan?" bulong ni Khamis sa isip. After her graduation sa University of Mindanao, naglakas loob siya na lumuwas sa Manila to follow her dreams, yun nga ay maging isang magaling at kilalang journalist. Nung una ay ayaw ng kanyang parents lalo ang kanyang Papa na Nursing talaga ang gustong ipakuha sa kanya nung kolehiyo. Pero sa kanyang pangungulit at matinding pakiusap, napapayag na din niya ang kanyang mama at papa di naglaon.

From Davao, lumipad siya patungo sa Manila. At, swerte naman na natanggap siya kaagad sa isa sa pinaka-malaki at pinaka-sikat na News TV station sa bansa, ang ABD News.

Nung una ay intern lamang siya, hanggang sa naging regular contributor, hanggang sa naging segment producer, junior reporter. Ngayon nga ay napunta siya paggawa ng mga documentary. Maraming mamahayag na naging documentary reporter muna ang ngayon ay gumagawa na nang pangalan hindi lamang dito sa Pilipinas, kundi maging labas ng ating bansa.

Khamis aims to follow their path. Kaso, tila ubos na yata ang mga interesting na subject for an investigative report. Na-tackle na yata halos lahat, kahirapan, politics, showbiz, etc. Ano pa kaya ang pwede niyang gawing subject to get their Executive Editor's elusive yes?

"Khamis, Khamis!" napahinto ang dalaga sa pagpasok sa isang kilalang coffee shop na malapit sa kanilang istasyon ng marinig na may tumatawag sa kanyang pangalan. Nang lingunin niya upang alamin kung sino ito, nakita niyang hangos ang katulad niya ay reporter din na si Jean. Kunot ang noo na hinintay niyang tuluyan itong makalapit.

"Oh? Bakit ka nagmamadali ka?" agad niyang tanong sa babae ng tuluyan na itong makalapit.

"Buti naabutan kita!" hingal kabayo pa ito. The girl grasp some air bago muling nagsalita. "Eh, pinahabol ka sa akin ni Ms. Edith. Ikaw daw muna pumunta dun sa Philpost para mag-cover. Yung mga trabahador daw dun may planong mag-strike. Ikaw daw mag-interview saka kumuha ng reaction nila."

"Eh ba't ako? Documentary reporter ako, hindi field reporter, noh!" inis na saad ng dalaga sa kasamahan.

"Bat sa akin mo tinatanong? Pumunta ka kay Ms. Edith para doon maglabas ng pighati mo." pang-aasar sa kanya ni Jean. Kaibigan niya ito, at parehas nilang alam kung gaano kahigpit at ka-notorious ang kanilang executive editor.

"Ewan ko sa'yo! Pag ako talaga sumikat, magrereklamo na ako. Aarte na ako. Aayawan ko na yang mga utos na yan ni Ms. Edith." mahina niyang sambit sa kaibigan. Natawa ito sa narinig.

"O siya sige po! Gawin mong lahat na yan ha, pero PAG SIKAT KA NA. But for now, gising gising muna sa pangarap, at pumunta ka na dun sa Lawton kung ayaw mong masigawan na naman." patuloy na pang-aasar sa kanya ng kaibigan. Khamis rolled her eyes. One of her habit sa tuwing naiinis o gusto niya lang magmaldita.

"As if I have a choice! Tsseee!" hindi pa din mapigilan ng dalaga ang kanyang inis. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"But where are you going?" nag-aalalang tanong ni Mama Renee sa kanyang alaga na si Amos. Tinapunan lamang siya ng tingin ng binata, at pagkatapos ay nagpatuloy sa pagbubuhat ng maliliit na barbel. Mataman itong tinitigan ng baklang manager. About 4 months ago, hindi ganito ang kanyang alagang aktor. He used to be so full of life. Masayahin at makwento ang lalaki, kabaligtaran sa Amos na kanyang tinititigan ngayon. And all because of Zamantha, ang ex-girlfriend ng binata. Mahal na mahal nito ang babae. Everybody thought their relationship would end up to marriage, pero nakipag-break si Zam sa lalaki sa hindi malamang dahilan.

Pinag-usapan ang kanilang paghihiwalay. There were speculation of a 3rd party which they both denied. Ngunit dalawang buwan pagkatapos nila maghiwalay, Zam announced that she's engaged and about to get married sa isang kilalang busines tycoon. Kaya naman muli na namang naungkat ang much talked about relationship nito kay Amos.

And of course, gustong marinig ng lahat ang side ng binata. The repoters became so very persistent. Mama Renee could only imagine what amos have to go through. It's like rubbing salt to a wound. At kahit hindi magsalita ang alaga, alam niyang nasasaktan ito.

To make it even worst, isang buwan mula ngayon itinakda na ang kasal ng aktres. And it is believe to be the wedding of the year. Kaya naman lalong nagiging curious ang mga tao na alamin ang panig ni Amos.

"Somewhere far, Mama Renee! Far from everyone." sagot ng binata pagkaraan ng ilang sandali na hindi man lamang tinapunan ng tingin ang manager.

"Far from everyone, even from me?" kunwa ay nagtatampong sambit ni Mama Renee. Napatigil ang binata sa pagbubuhat ng barbel, bago ngumiti. Hindi na din napigilan ng baklang manager na mapangiti. Medyo matagal na din since the last time he saw him smiling. Ngayon na lang niya ulit nakita ang pantay at mapuputi nitong ngipin na naging dahilan kaya naman nakuha ito sa isang toothpaste commercial.

"Even from you, Mama Renee! But, I'll be back. I just have to breathe, to declutter." mahinahon na paliwanag ng binata. Nakakaintindi namang tumango-tango ang manager. Hiling niya na sana sa muling pagbabalik ni Amos, mapawi na ang sakit na dinulot sa puso nito ng isang sawing pag-ibig.

(Author's Note: Hehehe! Favor naman po, pwede po ba sabihin nyo sa akin through comment if gusto nyo yung concept ng story ko? Heheheh Just so I know na may nagbasa/nagbabasa. ;) Thank you po sa lahat ng mga avid readers ko na walang sawang nagbabasa ng mga stories ko. Ang aasteg nyo! woohooo!! -- mrspurin)


CHANCES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon